Andito kami ni Damian sa bar, next week pasukan na ulit namin.4th year na kami sa wakas!
Kaming dalawa lang mag kasama ni Damian at nakakadami na din kami ng iniinom.
Si Sen naman kasama si Moxie, kagaya ko Sen is comforting her.
"Damian nakakadami kana e, tama na kaya tol?" tanong ko.
Umiling sya at namumula na din sya.
Kanina pa umiiyak siya hays.
Napapainom nadin tuloy ako ng madami.
"What should I do Cj?" tanong nya habang malungkot na nakatingin sa bote nya.
Nalulungkot din akong napatingin sa bote ko.
"I lover her... But she's not ready to fight for this." dugtong nya.
"Complicated noh? Aapat na letra pero napakakumplikado ng love" sabi ko at medyo nalalasing na din ako.
Ngayon nalang ulit ako nakainom ng ganito kadami.
Tumawa sya.
"You're right psh. Wala naman akong balak maging ganito kakumplikado ang lahat e, balak ko lang maging chill sa buhay, enjoying to play chess. Alam mo yun inikot ko ang buhay ko sa paglalaro at pag-aaral then she came, biglang nagbago lahat" nakangiti nyang sambit.
"I never lose my queen pag naglalaro ako ng chess b-but my queen in real life... I did lose her at ang sakit kasi hindi kona sya mabawi..." sambit nya at bigla syang umiyak.
Moxie and him broke up. 5 days after the wedding pumunta si Moxie sa bahay at nagkwento sya samin ni Sen na nakipagbreak na sya kay Damian. Kasi muntik na din silang mahuli ng parents nya. Nakita ni Moxie kung gaano nasaktan mommy nya nung akala neto ay merong namamagitan sa kanila ni Damian. That's why Moxie decided to broke up with him.
I tapped his shoulder.
"Did I made the wrong move Cj? Kaya nacheckmate ako? Moxie is like the queen you know, she took the risk for our relationship and for me, and all I did was stand behind her, all I did was being scared to lose her. Pero wala akong ginawa"
Pinunasan nya ang luha nya at uminom ulit.
"May ginawa ka... You did love her, you're also protecting her, kaya nga nirespeto mo ang desisyon nya diba? Dahil prinoprotektahan mo sya. Pero alam mo yun Damian, na sa buhay hindi laging panalo parang sa chess lang, it's not always the winning sometimes it's about learning. And this time Moxie's King is her mom and she's going to protect her no matter what" sabi ko.
Lasing na nga ako, diko alam kung saan ko nakuha yung mga sinabi ko at hinalintulad kopa sa chess.
Tumango sya at ngumiti sakin. Nagcheers kami.
"Iinom nalang natin, pakalasing tayo sa gagong mundo" sabi ko at natawa naman sya.
Nag-inuman lang kami dito at mas madami na akong naiinom kesa kay Damian kasi nagpapass sya minsan. Daya!!!
Nag vibrate ang phone ko at tiningnan yon.
Si Girlfriend ko natawag mwehehe.
"Pre tekash lang ha!" paalam ko at nag thumbs lang sya sabay ngiti.
Pagewang gewang akong lumabas sa bar para marinig ko.
"Lowsh boooooooooo!" sambit ko
"Tangina? Bat ikaw lasing? Ikaw ba broken?"
"Bunganga mo tsalaga! Bat ka napatawag? Miss moko? Misshh you too--"
"Kapal. Lasing na si Moxie kaya hinatid kona, akala ko mauuna kapang uuwi pero lasing din si gago, sunduin kita dyan wag kayong aalis mga lintek"
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...