Tatlong araw ng nakakalipas ng may nangyari sa amin.....MAY NANGYARING KABALIWAN SA UTAK NG NANAY NAMIN NI SEN! Buset!
Paano ba naman nung pina-alaga si Sen sakin nung nagkasakit eh nag shopping lang pala sila ni Mama at ni Tita Shane at mas nakakainis 1pm palang umuwi na sila eh ang layo nun sa 7:00pm ha?! Kakahighblood putek!
Nagbangayan lang tuloy kami ni Sen sa bahay nila pasalamat sya at may sakit sya kundi niwrestling kona yun!
At ngayong Miyerkules andito ako sa cafeteria dahil breaktime namin at nagsasagot ng homework ko. Nalimutan ko kasing magsagot kagabi. Nakakainis kasi yung Journal na yan istorbo -_-
"Captain!" Tawag ni Jans at lumalapit sila sakin
Isa pang istorbo ang mga kupal kong teammates!
"Makikitable kami ha? Breaktime din namin ngayon eh" sabi nya at kasunod nya si Olly at Benj na may dalang tray din.
"Asan si Markus?" Tanong ni Jans kay Olly
"Malay ko, malay mo, malay nating lahat. Kasunod lang natin yun kanina" sagot naman nung isa
"Pare ang wirdo mo na naman" natatawang sambit ni Jans
"Ikaw kulot padin" sagot naman ni Olly
"Hahaha gwapo naman"
-_-
"Huy Cap sipag natin ah" sabi ni Benj
"Wag mo akong istorbohin, sabi nyo makikitable lang kayo kaya shut up muna kayo" sabi ko dahil nahihirapan talaga ako sa homework ko sa math putspa!
"Owkay..."
"Uy ayon si Markus!" Sabi ni Benj
"Teka sino kasama nun?"
"Si Sen yun ah! MARKUS!" Sigaw ni Jans at di ko alam pero napatingin din ako.
Lumalapit si Markus habang hila-hila si Sen na aburido.
"Hi Guys! Paupo kami" sabi ni Markus at umupo sya malapit kay Olly at dahil wala ng space sa kanila, sakin tumabi si Sen.
"Hello Sen!" Bati nila kay Sen at tumango lang si Sen.
"Bakit mo sya kasama Markus?" Tanong ni Olly
"Ahm diba close sila ni Cj kaya dapat close din natin sya di ba Cap?" Tanong ni Markus
"Shhh. Pwedeng makitable pero bawal syang kausapin" sabi ni Benj
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa pagsasagot.
"Bakit ka nga isinama ni Markus?" Tanong ni Jans.
"Papaturo diba ako sakanya mag-gitara? Kaya ililibre ko sya bilang pambayad sa pagtuturo nya" masayang sabi ni Markus
"Hindi ako pumapayag" sambit naman ni Sen
"Ihhhh please Sen Mylabs?" Sabi nya at nagpacute pa mokong.
"Don't call her like that again!/ Dont you dare call me like that again!" Magkapanabay naming sambit ni Sen at napatingin sila sa amin.
"AY IBA!" Sambit nilang apat.
Tiningnan ko sila ng masama at tumahimik na.
"Sen turuan mo na akoo" pangungulit ni Markus
"Pag-iisipan ko" sabi nya
"Guys may joke pala ako" sabi ni Benj
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...