T H I R T E E N

67 14 3
                                    


1 week na simula nung mag-away kami ni Sen, sabagay lagi naman kaming magkaaway psh! Pati busy ako sa training kaya wala akong pakielam sa kanya.

Kasalukuyang andito na ako sa classroom ni Prof. Gab at nagsimula narin syang magturo.

Nakakaantok naman! Wala akong makausap! Gusto ko tuloy lumipat ng upuan.

Napatingin naman ako sa katabi ko na nakasubsob sa desk nya at mukhang natutulog! Mahuli ka sana ni Sir!

Pero netong nagdaang linggo napansin kong lagi syang nakasubsob sa desk o kaya naman minsan nasa clinic sya kasi masakit daw ulo nya.

May sakit ba sya?

Sinagi ko yung upuan nya para magising sya kasi baka mahuli sya ni Prof pero waepek!

Hindi ko nalang namalayan na binuklat ko yung libro na nasa desk ko at itinayo sa harapan nya para hindi makita ang ulo nyang nakasubsob at natutulog.

Bakit?

Bakit hindi kita matiis?

"Sen..." napatakip ako ng bibig ng banggitin ko ang pangalan nya.

Nakita kong nagmulat sya at bigla kong naihampas yung libro sa ulo nya ng medyo malakas.

"Aray!" Sabi nya habang hinihimas yung ulo nyang nahampas ko.

"At the back again! May problema na naman ba kayo dyan? Sen at Cloy?" Tanong ni Prof at sabay kaming umiling.

Naging madugo ang discussion ni Sir kaya pagkatapos ng klase paalis na ako ng tinawag nya ako.

"Mr. Monrow at Ms. Keaton kakausapin ko muna kayo" sabi ni Sir kaya lumapit kami sa kanya.

Naglabasan narin ang iba naming kaklase kaya kaming tatlo nalang ang andito.

"Ano po yun Sir?" Tanong ko

"Gusto ko lang ibalita na namove ang sports fest ng buong school at magaganap na ito ay sa Setyembre" sabi ni Prof

"What?! Bakit po?" Tanong ko

"Anong bakit? Eh sa gusto imove ng principal natin at principal ng ibang school eh" sabi ni Prof.

Oo nga naman Cj. Tanga mo eh!

"Eh ano pong events ang mangyayari ngayong buwan ng August?" Tanong ko

"Ahm kaya pinaiwan ko kayo ay dahil ang Club natin ang nakaassign ngayong August" sabi nya.

"At napagmeetingan naming mga Science Prof ay magkakaron tayo ng exhibit at camp for 2days." sabi nya

"Camp?!" Tanong ko

"Yes."

"Pero hindi ba masyadong marami?" Tanong ni Sen.

Sa wakas nagsalita na ang President!

"Napagusapan namin na iba iba ang campsite at yung members lang ng club natin ang pwedeng sumama. Si Prof. Dana ay prof ng mga 1st year college at nakaassign sila sa Batangas at ganun din yung ibang Prof na ang hawak na subject ay may kinalaman sa Science. At tayo namang 3rd year napagusapan namin ni Prof. Teddy na sa Tagaytay ang campsite natin" sabi nya.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon