S I X T E E N

70 16 2
                                    


Kasalukuyang andito kami sa sasakyan ni Damian. Si Damian ang nagdradrive, ako ang nasa shotgun seat, at si Sen ang nasa likod. Inunahan ko kasi si Sen na umupo dito. Aba! Swinswerte naman sya pagkatabi nya si Damian!

Kung tatanungin nyo ako kung kamusta ang exam ko? Wag na! Mapapamura lang ako! -_-

"Anong itsura ng Garden ng lola mo?" Tanong ko

"Hmm Garden sya na maraming bulaklak tapos kainan din sya" sabi nya at tumango-tango naman ako.

Napatingin ako sa likod at nakikita ko syang natutulog.

"Hoy!" Sambit ko sabay pitik sa tuhod nya.

Nagmulat naman sya at tumingin ng masama sa akin.

"Tsk.Diba nakacontact lense ka? Alisin mo muna yan pagtutulog ka, baka ikabulag mo pa tch" sabi ko

Binawi naman nya ang masama nyang tingin sakin at nagsimula ng alisin yung contact lense at nilabas nya yung eye glasses nya.

"Malabo na pala mata mo Sen?"
tanong ni Damian

"Oo. Obvious naman" sagot ni Sen.

Kahit kailan talaga napakamambabara netong babaeng toh.

Makatulog na nga lang...zzzz

****

Nagising nalang ako ng hindi na umaandar ang sasakyan at wala na dito sa loob sina Sen at Damian.

Bumaba ako at nakitang nakataas ang hood ng sasakyan.

"Anong nangyari?" Tanong ko

"Hindi ko nga rin alam" sabi ni Damian at napakamot sa batok.

Kailan kaya maiinis itong si Damian? Pansin ko kasi na lagi syang kalmado o nakangiti. Nasiraan na nga ng sasakyan kalmado parin.

Nung panahong pinagbintangan nya si Sen sa pagkasira ng project nya ko lang nakitang nagalit si Damian.

Nakita ko rin si Sen na hindi na nakasuot ng eye glasses nya baka contact lense na ulit ang suot.

"May gamit kaba sa sasakyan Damian?" Tanong ni Sen at tumango sya

"Dalhin mo dito" sabi ni Sen

"Teka marunong ka?" Tanong ni Damian.

"Medyo may alam ako, dating mekaniko tatay ko" sagot ni Sen at nagtali na ng mahaba nyang buhok.

Asan na kaya si Tito June? Wala kasi akong balita sa kanya kahit si Mama. Sabi pa ng nanay ko na wag ko munang iopen-up yung topic about sa family ni Sen.

Kumuha ng panyo si Sen sa bulsa nya at nalaglag yung wallet nya. Lalapit sana ako para damputin pero nauna si Damian.

"Sen wallet mo oh"

"Sayo muna Damian" sabi ni Sen at tumango lang sya.

Binuklat ni Damian yung wallet ni Sen at may kinuhang ID sa loob.

"Oh? Sen January A. Keaton? Oyy Sen may second name ka pala?" Sambit ni Damian

"Oo, kaso hindi ko inilalagay sa mga papel" sabi ni Sen

"Ah ganun? Edi pwede kitang tawaging January?" Tanong ni Damian na nakangiti.

Napansin kong napatigil si Sen.

"Don't " bigla ko nalang sambit.

Tumingin sakin si Damian.

"Call her any names or what b-but just don't call her by her second name" sabi ko at pumasok na ako ng sasakyan at pumikit.


MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon