Pinatawag kami ngayon ni coach dito sa gym dahil may training kami.Wala na kaming mga bangas sa mukha pero di parin kami nag-uusap usap.
Umupo kami sa sahig at nakabilog kami.
"Oh bat parang ang tatahimik nyo? Anong meron?"
"Wala po" we said in chorus.
"Parang tatay nyo na ako kaya kung may—"
"You are my dad" sambit ni Dino kaya napatawa kami.
Napakasiraulo talaga neto. Kung kelan seryoso tsaka babanat ng ganon.
"Tsk. Anak nga kita. Ang ibig sabihin ko lang naman ay kung may problema ayusin natin ito at tutulungan ko kayo" sabi nya.
Silence.
"Hayy. May importante pa naman akong sasabihin. Walang lalabas sainyo dito ng hindi nagkakaayos ayos. Sasabihin ko lang ang magandang balita pag di na kayo magkakaaway" sabi ni coach
"Magkakakaaway ba tayo?" Tanong ni Lance at napaismid nalang ako.
Walang kaalam alam sina Benj,
Lance, Jans sa nangyayari.Pero atlis si Jans at Benj marunong makiramdam di gaya ni Lance na laging walang muwang.
Naglakad na si coach paalis sa gym. At muling natahimik kami.
"Ano ba mga kupal mag usap usap na tayo, hindi ako sanay na ganto tayo katahimik maliban kay Dino at Olly e." sambit ni Benj.
"Oonga! Lalo kana Nick at Kuya Cj!" Sambit ni Lance.
Napapikit ako at tumayo.
"Sorry. Pasensya na sa mga nadamay dahil sakin. Please sana maayos na natin ito. Sorry Markus and Olly alam kong mas malaki ang kasalanan ko sainyo" sabi ko habang tinitingnan sila.
Ngumiti lang si Olly at tumango pero si Markus ay tumayo at naglakad na paalis pero biglang tumayo si Nick at nagsalita.
"Tapos aalis ka? Nagsorry na nga si Cap e, samantalang ikaw hindi pa. Gano ba kahirap na makipag-usap Markus ha? Sa totoo nga lang hindi naman kailangan ni Cap na magsorry dahil wala namang may gusto sa nangyari" seryosong sambit ni Nick.
Humarap si Markus kay Nick.
"Hiningi koba ang kapatawaran ni Cj? Hindi naman diba? At kung ang pinuputok ng butsi mo dyan ay yung nasabi ko sa bahay nyo, sige pasensya na. Masaya kana Nick? Makakaal—-" hindi na natapos ni Markus ang sasabihin nya dahil sinugod na sya ni Nick at kwinelyuhan.
"Bakit ba napakagago mo ha? Inaayos na nga etong problema bakit hindi ka makisama ha?! Ano bang problema mo Markus?!" Sigaw ni Nick.
Pinaglalayo namin silang dalawa.
"Hindi mo kasi alam Nick yung takot na naramdaman ko non! Hindi mo alam yon! Takot na takot ako non na baka mamatay ako sa kakabugbog nila! Eh ako lang inaasahan sa pamilya ko!" Sambit ni Markus habang natulo ang luha.
Napatigil kami at tumingin sa kanya.
"Ang swerte nyo nga nakakaangat kayo sa buhay e. Lalo kana Nick! Hindi mo ako maiintindihan kasi mayaman ka! Kayang kaya mong bilhin laha—-"
"Nick!"
Bigla nalang sinuntok ni Nick si Markus.
Lumapit din si Markus at gumanti kay Nick.
Pinaghihiwalay namin yung dalawa pero ayaw magpaawat.
"Tang*na! Tumigil na sabi kayo!!" Seryosong sigaw ko.
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...