T W O

134 27 22
                                    


Maaga akong nagising ngayon at bumaba na papuntang kusina.

"Aba ang aga mo ata ngayon?" takang tanong ni Mom.

"Ewan ko nga. Mapapaaga pa ata ako sa first subject ko. " sabi ko pero ang totoo nyan di ako nakatulog masyado.

Pagkatapos kong kumain. Ginawa ko na ang lahat ng morning rituals ko and ta-dah ready to go na ako...

"Ang gwapo naman ng anak ko" sabi ng Nanay ko

"Seriously Mom? Di ba kayo nainform ng ating ninuno na magkakaanak kayo ng dyosang kagaya ko" biro ko at napaismid sa mismong sinabi ko.

What the heck ang corny ko.

"Hahahaha eto naman. Namiss ko lang na tawagin kang gwapo. Lalo na nung naghigh school ka napaka gwapo mo anak" sabi ni Mama

Bigla naman akong naguilty. Alam kong nabigla sya sa naging kalabasan ko at alam ko namang hindi sya galit at tanggap nya kung ano ako pero alam ko ring may part sa kanya na di sya naniniwala na bakla na ang dati nyang gwapong anak.

"Sige na ma. Mauuna na ako" sabi ko

Hinatid ako ni Mama hanggang sa labasan ng bahay namin at nakita ko si Ate Chrysia na kinakausap si-----

"Sen!" tawag ni Mama

"Hi Tita" nakangiti nyang bati

Napairap na naman ako.

"Mama sabi pala ni Sen pumunta ka sa kanila kasi may chika daw sayo yung mama nya. " sabi ni Ate

Bilib ako sa friendship ng mama ni Sen at mama ko kasi elementary bff sila at hanggang ngayon.

Napatingin ako sa kanya. Ayan na naman yung itim nyang eyeliner. Ano bang almusal nito? Katol? Laging nakablack eyeliner tsk, tapos yung damit pa nya kadiri ang panget parang sya.

"Papasok kana ba Sen?" tanong ni mama

"Opo"

Ngumiti si Mama

Nako! Parang alam ko na next nyang sasabihin----

"Sabay na kayo ni Jeremy. Napaaga sya ngayon eh " sabi ni mama

Isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw kong gumising ng maagap kasi makakasabay ko sya at ipagpipilitan ni Mama na sabay kami.

Nakasabay ko na sya dati kaso last year pa yun at sobrang awkward.

Ngumiti nalang si Sen. Kasi alam nyang wala na syang magagawa at kahit ako wala ng magagawa dahil sa kakulitan ng nanay ko. At ang kapal naman ng mukha nya kung magreklamo pa sya!

Nagpaalam na kami at nginitian ako ni Ate ng nakaloloko

What the?

Naglakad na kami ni Sen palabas ng subdivision at isang dipa ni lastic man ang layo namin sa isa't isa.

Nakatungo lang sya habang naglalakad.

Nandito na kami ngayon sa hintayan ng jeep at wala paring naimik sa amin.

Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit ako napuyat at hindi nakatulog.

Binasa ko kasi yung konting page ng journal ko...

July 23, 2010

Dear Diary,

Eto ang kaunahan kong magsulat sa diary at iisipin siguro ng iba na bakla ako kasi nagdadiary ako pero straight ako uy! Naisipan ko lang namang magdiary nung makilala ko sya eh... Sa totoo lang nakakainis sya kasi nakakalalaki sya pero at the same time napahanga ako sa katapangan nya.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon