Sunday ngayon at kakatapos lang namin magsimba nina Mama. At dahil wala naman akong lakad na gagawin, tumambay lang ako sa kwarto.
Gusto ko sanang ichat kung kamusta si Sen kaso matagal ng hindi nagbubukas yun. Wala naman akong number psh! Pero di ako concern ha? Guilty lang kasi ako, ako kasi may kasalanan kung bakit sya nabasa. Pero sya may kasalanan kung bakit sya nagkasakit tsk.
Kinuha ko muna yung journal ko at nagbasa basa.
October 31,2013
Dear Diary,
Nagpustahan kami ni Sen na padamihan ng points sa paghula ng commercial at dahil mahilig akong manuod sa tv natalo sya kaya no choice sya sumama sa amin na mag treat or trick. Taon taon namin ginagawa yung magpipinsan pero hindi dumating yung mga pinsan ko kaya sya ang inaya ko at mga katropa ko. Lahat kami maaayos ang suot pati yung ibang babae na kasama namin na inaya ng katropa ko pwera sa kanya dahil mukha syang KILLER takte! HAHAAHHAHAA! At alam nyo ba sya lang ang hindi binibigyan ng candy HAHAHAHAHHAHAHA! She never failed to make me laughed putek! LT eh hahahaha!
~C. J
Napangiti ako ng mabasa yon. Tandang tanda ko padin yung itsura nya at kung paano sya hindi bigya ng candy HAHAHAHAHAHA.
November 1,2013
Dear Diary,
Nagpunta kami nina Mama sa puntod ni Papa pero dahil wala daw silang dadalawin nina Sen sumama narin yung parents ni Sen at sya. Gumawa pa nga kami ng bolang gawa sa tunaw na kandila, tapos pag ubos na yung kandila namin nangangapit bahay kami pftt!
~C. J
Natawa nalang ako sa mga nabasa ko. 2nd Year HS na kami neto pero ang childish parin namin ngayon 3rd year College na kami. Ang bilis ng panahon.
Binasa ko naman yung next page.
November 6, 2013
Dear Diary,
Dumating yung mga pinsan kong ungas at nag-ayang mag ghost hunting. Pinipilit kong sumama si Sen pero ayaw talaga! Talagang may takot sya sa mga multo takte di halata sakanya eh! At nagsisisi rin ako na sumama sa mga ungas kong mga pinsan dahil ginulat nila kaya napa-ihi ako p*cha! Buti nalang hindi sumama si Sen kundi pinagtawanan ako nun!
~C. J
Letse! HAHAHAHAHAHA natatandaan ko pa yun!
Pansin ko ang rami ko palang naisulat nung 2nd Year HS ako.
November 10, 2013
Dear Diary,
Pasukan na namin sa 12, Monday yun. At nag-aya yung mga kaklase namin na maglutuan bago magpasukan ulit at ang saya ng lutuan namin dahil nagkantahan kami at si Sen ang nagigitara. Pero bago kami pumunta ni Sen sa bahay nina Frank nagpaturo muna ako sa kanya magskate board. At takte! Ang hirap na madali pero ENJOY! Pero buset ang init ng ulo nya walastik! Nakakatakot sya pagmay period! Pero ang cute nya gago!
~C. J
(Flashback - year 2013)
"SENNNNNNNNNNN!"
Tawag ko sa bahay nila.
Dumungaw sya sa bintana.
"Ano ba Cloy?! Agang aga nambwibwisit ka!" Inis nyang sambit

BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Novela Juvenil|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...