O N E

198 30 29
                                    


"Damian"

"Damian"

"Damian"

Damnit! Ang galing nyaaaa! Sabi na eh panalo na naman sya sa Chess!

Idol ko talaga sya sa Chess!

Andito kami ngayon sa canteen at pinapanuod ang laro ni Damian at Vin sa chess at as I expected panalo na naman si Damian.

"Hoy! Tapos na ang laro tama na ang kakacheer at tayo ay pumila na para bumili ng foods" sabi ng pinsan kong si Lexi

"Food ka dyan. Feeds ang bagay sayo hahahahhaha" asar ko sa kanya may pagkachubby kasi sya.

"Psh! Ang bad mo saken!"

Pumila na kami sa counter para bumili ng pagkain at umupo na kami sa table namin.

"Grabe ang galing ni Damian sa Chess" sabi ko kay Lexi

"Sus idol na idol mo sya eh. Para sayo gwapo ba?" tanong nya

"Oo naman!" sagot ko agad at bigla syang sumimangot

"Aish! Baklang bakla ka talaga! Sayang ka gurl ang gwapo gwapo mo eh kundi lang kita pinsan papatulan kita eh" sabi nya

Napatawa naman ako

"Kahit hindi kita pinsan wala akong balak patulan ka hahaha" sabi ko at lalong nagsalubong ang mga kilay nya.

Napatingin naman ako sa katabing table kung saan nakaupo si Damian.

Nakita ko na namang solong kumakain si Lesbi.

"Tss loner talaga sya kahit kailan" sabi ko kay Lex

"Sino?"

"Si Lesbi" sabi ko sabay nguso kung san pwesto nya

"Hoy ang bad mo kay Sen wala namang ginagawa sayo eh" sabi nya

Lesbi ang tawag sa kanya ng buong campus kasi mukha talaga syang tomboy. Laging may itim na eyeliner ang kanyang medyo bilugan na mata , mahaba ang kanyang buhok pero ang mga sinusuot nya pang damit ay panglalaki so baduy!

Di naman uso dito sa Richmond College ang uniform.

Napatingin sya sakin na ikinagulat ko pero inirapan ko agad sya.

"Bakit parang galit na galit ka sa kanya? Eh diba simula elementary, high school, at ngayong college ay magkaklase kayo sa isang subject ? Take note mo pa na parehas kayo ng subdivision na tinitirhan at magbestfriend pa ang nanay nyo" sabi nya

"And so? Basta mainit ang dugo ko dyan! At teka nga ay ano naman sayo kung galit ako sa kanya?" tanong ko

"Ahm wala lang kasi parang wala syang friends and since na magkalapit halos bahay nyo at magbest----"

"So gusto mong kaibiganin ko sya?" tanong ko

"Oo naman! Eh kasi nakakaawa sya walang prends" sabi nya

"Ikaw nalang kaya" sabi ko

"Natatakot nga ako baka sungitan lang nya ako " sabi nya

Mabait kasi etong pinsan ko tsk.

"Uy kanina pa pala time" sabi ni Lexi

"Ahh okay-----"

O____O

"WHAT?! Kanina pa timee?!" sigaw ko sa kanya

"Kumalma ka nga. Sino ba next subject prof mo?" tanong nya

"Si Miss Terror! Math time ako ngayon!" sabi ko

"Patay!"

Nagmadali na akong pumunta sa classroom ni Miss Terror. First day of Class late na naman ako!

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon