T H I R T Y - S E V E N

39 2 0
                                    


Nasa Richmond na ako ngayon at papunta sa cafeteria. Inagapan ko talaga ang pasok ko kasi may tatapusin ako.

Si Sen naman pinauna na akong pumasok at may gagawin pa daw sya. Isang linggo narin ng magsimula ang klase. May mga bago na ulit akong subject at lahat yon ay major na. Hindi ko narin kaklase si Sen sa kahit anong minor subs hays. Kung kelan okay na kami tsaka naman hindi ko na sya nakaklase edi sana lambingan kami sa classroom HHAHAHAA

Ulol Cj, malabong mangyari yon baka sipain lang ako nun. Tsk. Ni hindi nga naalala yung monthsary namin nung December 8. Ang sabi ba naman sakin ay hindi sya nagbibilang? Kabwiset diba? Kaya dalawang araw din kaming nag-away nun psh!

Cafeteria

Dahil maagap pa ang dami pang bakante. Nakita ko si Lex na kumakain na mag-isa kaya dun ako umupo sa tapat nya.

"Lexianaaa!"

Tumingin sya sakin.

"Ikaw pala" sabi nya.

"Cold mo naman hahaha" sabi ko at napakamot sa ulo.

Bakit parang ang awkward? Hindi naman kami ganito e.

Nilabas ko yung laptop ko at binuhay yon.

"Matanong ko pala Lex, nagbeach resort kaba sa Laguna?"

Para kasing tindigan nya talaga yung nakita ko pero baka---

"H-Hindi. Bakit?"

Sabi ko nga namamalikmata lang ako.

"Ah wala naman hahaha akala ko lang nakita kita. Nag beach resort kasi kami nung minsan. Sana pala isinama kita" sabi ko at nagsimula na magtype.

"Nag enjoy kaba?" tanong nya

"Oo naman" nakangiti kong sambit habang nagfofocus sa pagtatype.

"Magkaibigan na ulit kayo ni Sen?" tanong nya

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng napakalawak.

"Oo at..." medyo lumapit ako sa kanyang tenga

"Kami na" bulong ko na nakangiti.

Lumayo ako

"Ano?" parang hindi makapaniwala nyang sambit.

"Oo nga hahaha hindi ba kapani-paniwala?"

Inirapan nya ako

"Aba babaita kelan kapa natutong umirap" natatawa kong sambit.

Ang taray nya ngayon ha.

"Congrats---" sabi nya at nahinto sya at biglang nanlaki ang mata.

Problema nya?

"Cj!" lumingon ako sa tumawag at nakita ko sina Olly at Dino.

Kumaway ako at pinalapit sila.

"Lex---teka asan yon?"

Paglingon ko kasi ulit wala na sya sa harapan ko.

Nagiging flash sya a. Nung minsan bigla nalang din syang nawala.

"Agap mo a" sabi ni Olly at umupo sila sa harapan ko na pwesto ni Lexi kanina.

"Kailangan kong tapusin tong research wala akong ambag sa kagrupo ko" natatawa kong sambit.

Naglabas din sila ng laptop nila at mukhang may tatapusin din sila.

Tahimik lang kaming nagtatapos ng gawain ng---

"Anak ng-- busy ang ating mga dean's lister a. Asan sina Jans, Sen at Damian para kumpleto na ang mga lister natin---aba Cap naliligaw ka ata a" pagsulpot ni Nick sa pwesto namin at umupo sya sa gitna ni Olly at Dino.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon