T W E N T Y

94 15 0
                                    


Pagkatapos patugtugin ni Nick yung kanta lumapit si Moxie sa pwesto ko at humiga rin sya katulad ko.

"Psst!"

"Oh?" Sagot ko

Parehas kaming nakatingin sa ilaw ng gym.

"May naaalala ka sa music na pinatugtog ni Nick kanina?" Tanong nya

Hindi ako sumagot.

"Yan kaya yung song nung prom natin nung 3rd year High school tayo. Tanda mo pa ba na ako ang prom queen tapos ikaw ang prom king" natutuwa nyang sambit.

"Ahhh"

"Tapos diba ang ganda ganda ni Sen nun kaya nagtaka ako bakit hindi sya ang prom queen eh. Pero ang ganda nya diba?"

"Hindi ko na matandaan" pagsisinungaling ko.

"Hoy ano pinag-uusapan nyo dyan. Share naman" sambit ni Jans at lumapit sila sa pwesto namin ni Moxie.

Tumayo ako sa pagkakahiga at ganun din si Moxie.

"Wala mga chismoso! High School memories lang namin" sambit ni Moxie.

"Bakit hindi kayo naiilang sa isa't isa?" Tanong ni Benj.

Napaismid naman kami ni Moxie.

"Ha? Bakit naman kami maiilang sa isa't isa?" Tanong ko

"Oo nga hay nako Benjonido Aramin" iiling-iling na sabi ni Moxie.

Pfft—mahilig talagang manawag ng full name etong si Moxie.

"Hindi ba't kayo—-" hindi natapos magsalita ni Benj ng sumigaw si Nick.

"Markus!" Pagtawag nya kay Markus na bagong pasok sa gym.

Lumapit kaming lahat sa kanya.

"O ano kamusta?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya saming lahat—yung tingin na malungkot at alam na namin na hindi naging successful ang effort nya.

He sighed. " Hindi pa daw sya ready magpaligaw eh." Malungkot na sambit ni Markus

Inakbayan sya ni Jans.

"Eh susuko ka nalang ba?"

"Hindi ko alam...pero susubukan ko syang hintayin" sabi ni Markus

"Gayahin mo nalang kasi kami tol" sambit ni Nick at siniko naman sya ni Dino.

Kahit hindi umimik yang si Dino alam naming concern rin sya sa amin.

"Aishh! Putek! Ang sakit kaya na mareject" sambit ni Markus na parang iiyak na.

"Huy bro wag kang iiyak sayang tubig" sambit ni Olly.

Napatingin ako kay Olly, ang weird weird netong si Olly minsan. Pero wag ka Dean's lister din yan. Sadyang nalulutang at weird sya minsan.

"Kung gusto mo si Moxie nalang ligawan mo" sambit ni Benj

"Oo nga ako nalang kasi Markus kakantahan pa kita kahit sintunado" sabi ni Moxie na ikinatawa naming lahat.

"No thanks nalang Mox haha" sabi Markus na iiling-iling

"Kung ayaw mong si Moxie edi si Sen nalang" sabi naman ni Lance.

"Psh! Wag na uy! Haha baka dalawa pa ang magalit sakin." sabi ni Markus na nakangising tumingin sakin.

What the?!

"Hay nako pre ikain na muna natin yan" sabi ni Jans at hinila si Markus palabas ng Gym at sumunod din yung iba.

Lalakad na sana ako ng hilahin ako ni Mox.

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon