"Lexianaaaaaaaaa!"
"Ano ba yun?!"
"Isang linggo ko na napapansin na mas nagiging close sila ni Damian!!!" Inis kong sambit
Sunday ngayon at nasa bahay ako ng baboy kong pinsan.
At kinikwento ko ang hinanakit ko sa babaeng tomboy na yun. Last week ko pa napapansin na parang laging lumalapit si Damian sa bwishet na babaeng yun! At naiinis ako takte! And take note hindi lang ako ang nakakapansin kundi marami na sa campus ang nakakahalata.
"Alam mo ang solusyon dyan?"
"Hindi"
"I-close mo si Sen tutal naman sabi mo magkaibigan kayo dati."
"The hell?! At bakit ko naman sya ikoclose? Inaahas nga ako eh!" Inis kong sambit
"Hays! Iclose mo sya para mapalapit din sayo si Damian tapos paglumalapit si Damian kay Sen syempre ilalayo mo. O diba ang talino ko" proud nyang sabi
"WOW! Grabe ang talino mo muntik na akong mapanganga sa idea mo letse! Wala bang iba? Ang corny ng plano mo tsk!" Sambit ko
"Sige ikaw rin. Pag mas naging close sila ni Damian nganga ka hahahahaha!"
Ang sarap nyang batukan sabay sampal-_-
Pero may point yung sinabi ni Lex.
O-Plan: Keep your friends close but enemies closer! Bwahaahhaa!
"Ano nga bang kasabihan yun?" Out of the blue na tanong nya
"Alin?"
"Ah! Yung keep your close friend and closer your enemy? O diba pawerrr!"
"TANGA! HAHAHHAHAHAHAH! neng anong year mo na? Galing ka pa naman sa ibang bansa tapos ganyan ang english speaking mo p*tcha! Bigyan na ng jacket yan hahahhahaha!" Natatawa kong sambit
"Ay mali ba? Sorry naman hmmp!"
HAHAHHAHAHA! Ang sakit na ng tyan ko!
LUNES
Nyemas naman! Ang AGAP kong nagising!!!
Kung yung iba nag-aalala dahil late sila nagising ako namromroblema dahil ang agap kong nagising aishh!
Dahil ayaw kong makasabay yung taong ayaw na ayaw ko, nagbasa muna ako ng journal ko.
December 19,2012
Dear Diary,
Christmas party namin ngayon at ang saya! Alam nyo ba kung sino nakabunot sakin? Yung walang hiya kong bestfriend haha at ang niregalo lang naman nya ay picture frame tapos may picture nina King! Nakakainsulto lang ang king ina! HAHAHA pero binigay nya sakin yung talagang regalo nya at Air Jordan na sapatos yun! Shet lang! Napili rin kaming dalawa sa isang palaro kanina at pinagbihis ako ng pambabae at pinagbihis si Sen ng panlalaki. Lima kaming pair na contestant pero kami ang nanalo buset! Mukha ba akong babae?!
-_- Pero naenjoy naman namin.~C. J
December 25, 2012
Dear Diary,
Nag decide sila na dito sa amin mag-pasko ,tapos sa bagong taon doon kami kina Sen. Masaya naming cinelebrate ang pasko.
~C. J
Babasahin ko pa sana yung next page kaso tinawag na ako ni Mama.
"Hoy Jeremy! Bilis bilisan mo nga ang kilos mo late kana!" Sabi ni Mama
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Teen Fiction|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...