T H I R T Y - S I X

39 2 0
                                    


Ilang linggo narin ang nakalilipas ng mag beach resort kami.

Kahit papaano natakasan namin ang realidad.

Pagkauwi na pagkauwi namin dito nagpaalam si Sen na didiretso sya sa Manila para dalawin ang kapatid nya. Yung mga kaibigan ko naman mga busy sa kani-kanilang buhay at bahay.

Gusto ko nga sanang sumama kay Sen kaso sabi nya tsaka nalang daw muna kaya pumayag na ako kaso miss ko na syaaaaaaaaa.

Nagtetext naman sya sakin kung anong balita sa kanya habang nandon sya. Tumatawag naman ako sa kanya tuwing gabi pero ayaw nya ng video call ang corny daw tss.

Tatlong linggo na sya don kaya ako heto tatlong linggong tambay sa bahay at kaaway ang panget kong ate.

Sabi nya this week uuwi na sya pero hindi nya pa alam kung kelan. Ang lapit naring magpasukan ulit hays.

"JEREMY TULUNGAN MO AKO DITO TATAMAAN KA TALAGA SAKIN" sigaw ni ate kaya itinigil ko ang pagbabasa ng pocket book at bumaba

Ang ingay talaga!

" Ang ingay mo ate mahiya ka naman sakin" sambit ko

"Wow coming from you e ang ingay ingay mo nga din. Tulungan mo ako magkabit netong mga Christmas Decor bilis" utos nya

December 1 na nga pala. Ang lapit na magpasko.

"Asan si Mama?" tanong ko

"Namimili ng pagkain. Oo nga pala Jeremy pag dating ni Sen double date tayo haaa? Yieeeeeee matagal ko ng plano yun kaso napaka kupad ng kapatid ko" sabi nya

Binato ko sya ng Christmas Ball.

"Aray!"

"Yoko naming kasama. Magdate ka mag isa" sabi ko at binelatan sya.

Binato nya ako ng Christmas Ball at sapul sa noo ko

"Aray ko ate!"

"Basta mag double date tayo kung ayaw mo wag kang sumama at isasama ko si Sen at hahanapan sya ng date." mataray nyang sambit

"Psh"

Hindi na ako nakipagtalo at masamang patulan ang special child tapos hinimas yung noo ko.

Ang sakit kaya!

"Anong balita kay Jerry? Ang tagal ng hindi sya dumadalaw dito" sabi ko habang nakasampa sa hagdan para ikabit si santa claus

"Alam mo naman pag engineer busy, hindi na nga rin kami masyadong nakakapagdate e hmmp! " sabi nya habang nakasimangot

"Tsk. Busy? Dapat hinahanapan ka nya ng time" sabi ko.

"Oo nga pero alam mo Jeremy may mga bagay na dapat prinaprioritize tayo, wag ka-humaling sa love hindi dapat umiikot ang mundo natin don. Mahirap bumangon pag nawala yung taong ginawa nating mundo ng buhay natin" sabi nya.

Adulting stage na talaga si ate.

"Pero tatamaan talaga sya sakin oag di nya akl tinawagan mamaya hmm!" sabi nya sakin.

Tsk. Binabawi kona.

Tinapos ko nalang etong mga palamuti at yung ate kong unggoy nakaupo na at nakataas pa ang paa sa lamesa e ambaho naman ng paa nya tsk!

Umakyat ako sa kwarto ko at umidlip muna.

Zzzz

***

Napamulat ako ng may parang naramdaman akong katabi.

Biglang bumilis tibok ng puso ko.

O___________O

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon