Naikwento ko sa kanila kung pano kami nagkakilala ni Sen hanggang sa panahon na umamin ako at umalis sya bigla. At gulat na gulat ang mga mokong maliban syempre kina Moxie at Damian.
"Hala Cj seryoso?!" - Jans
"Sya yung best friend mo?" - Lance
"Gago sya pala yung first love na sinasabi mo nung araw na lasing ka?" - Benj
Napapikit ako.
"Oo nga! Kailangan ulit ulit?" reklamo ko
"Kasi akala namin si Moxie pre" sabi ni Olly
"Oo nga Cj, saktong alis ni Moxie nagdrama ka at nagpakalasing" sabi ni Markus naman
"Yuck kadiri kayo pweeee." sabat ni Moxie.
"Edi si Sen nga ang dahilan kung bat nag bakla baklaan si Cap. Nako sabi na e" sabi ni Nick.
"Kelan mopa nalaman?" tanong nila.
"Malakas kasi instinct ko guys. Diba Cap sabi ko nung camp palang natin may napapansin na ako sayo. Yun yon, iba tingin mo kay Sen e. Never ka naman tumingin ng ganon kay Xie xie noh." sabi ni Nick
"Hoy ulol ka pero aminin mo nung una si Moxie akala mo" Benj
"Oo naman. Kahit naman sina Jans diba?"
"Oo pre. Akala namin napo-fall ka lang kay Sen yun pala matagal ng na fall. Si Benj lang naman at Lance ang slow na hanggang ngayon akala nila si Moxie at Cj HAHHAAHA" sambit ni Jans
"Psh! Pero pare-parehas lang tayo sa una na akala ay si Moxie!" sabi ni Lance
Napakamot ako sa ulo. Hanggang anong oras nila ito pag-tatalunan?
8 pm na pala hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom.
"Sige taas kamay na sa una palang alam na si Sen ang nagkapagpabading kay Cap. Maliban kay Damian at Moxie syempre " sabi ni Benj
Napahilot ako sa noo ko. Ayaw paawat.
Walang tumaas maliban kay---
Nagulat kami ng tumaas ng kamay si Dino.
"Loko wag ka scam tol" sabi ni Nick.
Ngumisi lang si Dino.
"Kung may pustahan pala ito, panalo sana ako" sabi nya.
"Seryoso?!"
"Paano?!"
Nakatingin lang ako sa kanya na nagtataka. Tumingin sya sakin pero umiwas din.
"I first saw her nung 4th year high school ako at sya syempre. Nasa sasakyan ako non at may driver pa ako nung mga oras na yun. Nag park kami malapit sa isang school non bababa na ako dapat kaso nagulat ako nung may babaeng pumasok sa sasakyan akala ata nya taxi. Kasi sabi nya pa sa driver ko kahit saan nalang daw umabot ang gas" kwento nya at napangiti sya.
He really likes her...
"Nakatakip yung kamay nya sa muka nya habang umiiyak. Kaya hindi nya ako nakita at kaya akala nya taxi yung nasakyan nya. Kaya ayon sabi ko nalang sundin yung sinabi nya. That time nakikinig lang ako sa kanya. Kasi sorry sya ng sorry habang umiiyak." tumingin sya sakin
" Sorry Cloy... Sorry talaga. Paulit ulit nyang binabanggit yon habang umiiyak. "
" Wala syang ibang ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam ang gagawin nung mga oras na yun kaya nakinig lang ako sa kanya. Alam nyo bang may game ako sa dota non, kaso hindi ako nakaattend, kasi hindi ko alam pero hindi ko sya kayang iwan nung oras na yun. Pero I'm thankful to her kasi nalaman ko nalang na sumabog yung computer shop na pupuntahan ko dapat dahil nagkaproblema. She saved my life... " sabi nya
BINABASA MO ANG
MY JANUARY
Fiksyen Remaja|| C O M P L E T E D || Dear Enero, Parang awa mo na maging mabait ka naman sakin! Sobra mong pinapagulo ang pagkatao ko. Ano bang ginawa ng kagandahan ko at ginaganito mo ako??? Baluga, loner, mayabang, at higit sa lahat hindi ka mukhang tao! Kaya...
