P R O L O G U E

303 34 21
                                    

Mental Health Care Manila

Pumasok na ako sa loob ng mental hospital at pumunta sa front desk.

"Yes sir?" tanong nung lalaki na nasa front desk

"I need to speak to Ms. Keaton" sambit ko

"Relation?"

"I'm her Doctor, Dr. Monrow" sabi ko at pinakita ang ID at license ko.

"Come with me Doc" sabi nya at sinundan ko lang sya.

Tumungo kami sa Psychiatric Ward.

Napalingon-lingon ako sa paligid. Hindi naman eto ang kaunahan kong pumasok sa isang mental hospital kasi minsan nagvivisit kami dito para sa thesis namin. Pati binibisita ko sya lagi simula nung tahakin ko ito. Pero sya ang una kong pasyente, pagkakuha na pagkakuha ko ng doctorate ko at lisensya.

Habang nag-aaral ako dinadalaw ko na din sya para na din mas maagap ko syang mailabas dito.

"Dito po ang room nya Doc" sabi nung nurse dito.

Pumasok na ako.

Umupo si Ms. Keaton sa kama nya ng makita ako.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kama nya.

Ngumiti sya sakin. At ang creepy ng ngiti nya! Inayos ko ang sarili ko at ngumiti din sa kanya.

Nalaman kong lahat ng nagiging doctor nya ay binabayaran ng may gawa sa kanya neto para tanggihan sya pero hindi nya ako madadaan sa ganon. Lumalala minsan ang kalagayan nya pero mas lalo lang syang lalala sa lugar na ito kaya medyo nahihirapan ako ngunit kahit alam kong ganun sya hindi ko sya susukuan dahil nangako ako.

Buti naman at mukhang nasa good mood sya.

Medyo naiilang nga lang ako dahil iba sya makatingin sakin at hindi nya inaalis ang mga tingin nya pero natuon ang atensyon nya sa librong dala ko.

Whew!

"Ano yan?" tanong nya

Ngumiti ako at pinakita sa kanya.

"Ah libro ko itong ginawa hahaha di ko napansin na nadala ko pala. Itatabi ko lang" sabi ko at ilalagay sana sa brief case kong dala pero pinigilan nya ako.

"Teka! Pwedeng mabasa ko muna yan? Bago tayo magsimula?" tanong nya

Tumango nalang ako at binigay sa kanya yung libro na hawak ko dahil baka biglang magtantrums eto.

Kinuha nya yung libro at napangiti----yung ngiting hindi creepy. Dahil ngumiti sya ng matamis at sincere.

Napangiti ako nung makita syang ngumiti ng matamis.

"My January" binasa nya ng medyo malakas ang title at may pumatak na luha galing sa kaliwa nyang mata at hindi nalang ako nagtanong pa.

Binasa na nya ang unang pahina....

--------------------------------------

Annyeong! Haha sana okay lang po yung Prolougue ^^

Enjoy!

MY JANUARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon