ETT - C2

210 199 19
                                    

TINGIN

******

   Kanina pa kami naririto sa bahay nila Kuya Thross, kaibigan ni kuya. Pero hindi pa rin ako pinapansin ni tanda, kesyo raw hindi ko sinunod yung bilin niya. Kesyo raw bakit ko raw sinama sila Ella.

   Bakit parang naging kasalanan iyon!
Pasalamat nga siya sinuot ko itong bistida na binigay niya, kahit alam kong hindi ako magiging komportable!

   "Kuya, gusto mo?" Alok ko sa kanya sa  kinakain ko, pero inirapan lang ako nito.
Akma ko rin sana siyang yayakapin pero kaagad itong umiwas. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pwesto namin nila Ella. 

   "Yikes, hindi ka pa rin pinapansin?" Kaagad na tanong sa akin ni Ella, dahilan para umiling ako.

   Katahimikan ang bumalot sa amin ng ilang segundo. Pero nabasag lang iyon ng may sinabi si Ara na nagpadagdag para mawalan ako ng gana. Kaya hindi ko magawang tumingin sa gawi ng sinasabi nito, dahil wala akong pakealam! Tsaka ayokong makita ang pagmumukha nito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumapit sa amin si Kuya Thross.

   "Yow, okay lang ba kayo rito? Marami pang pagkain, gusto ni'yo kuhanan ko kayo?" Sabi nito.

   "Huwag na, Kuya. Walang uubos." Sagot ni Aiks, dahilan para mapairap ako.

   "Walang uubos? Eh naririto naman si Dia." Turan ni Kuya Thross, habang nakatingin sa akin.

   "Nagtatampo kasi yung matanda niyang kuya." Natatawang sabi ni Clain.

   "Natalo kasi siya sa pustahan." Natatawang sagot ni Kuya Thross at saglit na bumaling ng tingin sa gawi ni kuya. Iyon din ang dahilan para mangunot ang noo ko.

   "Pustahan?" Tanong ko rito, at ginulo muna nito ang buhok ko habang tumatawa bago muling magsalita.

   "Kung sumunod ka sana sa kaniya, panalo siya. Pero dahil sa matigas ang ulo mo. Natalo siya." Sagot sa akin nito, dahilan para ako naman ang makaramdam ng inis sa kuya kong matanda.

   Pustahan pala hah!

   Nang tumingin ako sa kaniya ay sakto namang nakatingin din ito sa akin, dahilan para pagtaasan ako nito ng kilay. Kaya naman ay kaagad akong lumapit sa kaniya, at binigyan ito ng batok na kaagad niyang ikinaangal.

   "Hakdog, Pustahan pala hah!" Singhal ko rito, at tsaka ako bumalik sa pwesto namin nila ciara, at kaagad na bumalandra sa akin ang tawanan nilang apat kasama si Kuya Thross.

   Pagkaupo ko roon, ay kaagad akong kumuha ng shanghai at sinimulang kainin. Dahilan para mas lalo silang matawa.

   "Ano, ikukuha ko na ba kayo ng pagkain?" Tanong ulit ni kuya thross at tsaka ito tumawa. Kaya walang pagaalinlangang tumango ang mga kasama ko.

   Minuto ang lumipas, bago makabalik si Kuya Thross sa table nanin. May hawak itong plato ng pagkain. Ang akala naming siya lang ay hindi, dahil nasa likuran nito ang taong ayokong makita at may hawak din itong plato ng pagkain.

   Kaya naman ng nailapag na nila ang plato ng pagkain sa lamesa namin ay kaagad na nakangiting inakbayan ni Kuya Thross ang katabi nitong kasalukuyan ng nakangisi sa akin.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon