ETT - C25

51 50 10
                                    

KILOS

******

   "Tandaaa!" Kapagkuway masayang sigaw ko. Habang kinakalabog ko ng malakas ang pinto nito.

   "Tan.." hindi ko natuloy ang sinasabi ko. Dahil sa biglaang pagbukas ng pinto nito. Rason para deretsong lumagapak ako sa sahig ng kwarto nito. Sa kadahilanang bahagyang nakasandal ako sa pintuan nito kanina.

   "Itayo mo ako, tanda." Kapagkuway turan ko rito. Tsaka ko inilahad ang kanang kamay ko sa kaniya, para abutin nito.

   "Asa!" Sagot nito, tsaka ito tumalikod at lumapit sa aparador nito.

   "Tignan mo, nagsusungit ka na naman. Hindi ba pwedeng iwasan mo na muna iyan. Lalo na september na, birth month mo. Yieh!" Kapagkuway pang-aasar ko rito. Matapos akong makatayo't makalapit sa kuya kong matanda.

   "Yieh! May shanghai ba kapag, kuya?" Parang batang sabik na tanong ko rito, habang marahan kong dinudunggol ang balikat nito.

   "Baliw ka na nga talaga. Bumalik ka na nga sa silid mo at mag-ayos ka na. Kung ayaw mong maglakad papuntang school. Kay aga-aga ang ingay-ingay mo!" Kunwaring pagsusungit ng kuya kong matanda. Habang itinitulak ako nito, palabas sa silid nito.

   "Opss, teka lang." Pigil ko rito, tsaka ko iniharang ang isang daliri ko. Para hindi niya tuluyang maisara ang pinto ng silid nito.

   "Anak ng, ano na naman ba iyon?!" Kunwaring masungit na sabi nito. Pero halata ko ang pagpipigil nito ng ngiti.

   "Para kang unggoy sa pagpipigil mo ng ngiti." Pang-aasar ko rito, tsaka na ako patakbong pumasok sa silid ko't kaagad na isinara ang pinto ko.

   Sumandal muna ako saglit sa pinto kong nakasara. Hinihintay ang panunugod sa akin ni kuya at ang pagkalabog niya sa pinto ko. Pero minuto na ang lumipas, wala pa rin ang hinihintay ko. Kaya naman ay nakanguso kong sinimulan ang pag-aayos sa sarili ko. Nakaligo't nakasuot na kasi ako ng uniporme kanina. Bago ako nambulabog sa silid ng matanda kong kuya.

   Nang matapos na ako ay isinakbit ko na sa balikat ko ang kulay maroon kong bag. Tsaka ko chineck muna ng panandalian ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko. Simula kaninang magising ako sa araw na ito ng martes. Pero katulad ng ginawa ko kanina ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Tsaka ko ibinulsa ang phone ko't lumabas na ng silid ko.

   "Hi, tanda!" Kapagkuway sabi ko rito, na may nang-aasar na ngiti. Nang saktong magkasabay kaming lumabas sa kaniya-kaniya naming silid.

   "Lakas ng amats mo, minion." Natatawang sabi nito, rason para bahagyang mapaawang ang labi ko.

   "Tara na nga." Natatawang anyaya nito sa akin, tsaka ako nito inakbayan. Nang segundo na ang lumilipas pero nakatingin pa rin ako rito.

   Parang may nagbago. Hindi siya pumapatol sa pang-aasar ko. Hindi siya nagsusungit, matapos kong sabihin iyon kanina. May bago talaga. Yung kuyang matanda ko ba talaga ito?

   "Aray ko!" Kapagkuway angal nito, matapos kong pitikin ang tenga nito. Nang matapos na kaming kumain at naglalakad na kami papunta sa kotse nito.

   "Tanga! Sinisigurado ko lang naman na ikaw ang kuya ko!" Angal ko, matapos ako nitong bigyan ng kutos with instant batok. Pero bahagya lang ako nitong inirapan at sumakay na sa driver seat. Kaya naman ay sumakay na rin ako sa passenger seat.

   Mahirap na, baka tangkaing iwan ako ulit.

   Minuto lang ang nakalipas, nang makarating na kami sa L.E.U. Kaagad na kaming bumaba ni kuya at tinahak na namin ang daan papunta sa bawat building namin. Habang naglalakad ako ay naroon na naman ang pagsisimula ng kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon