ETT - C10

108 113 8
                                        

WALLET

******

   Nakahiga na ako ngayon sa aking kama. Pero hindi ko pa rin matigilang tumawa, kapag naaalala ko ang itsura nila Phyby at lheirix kanina. Mukha kasi silang ewan. Idagdag pa yung kulay ng lipstick na ginamit nila. Gwapo naman silang pareho, pero basta. Para sa akin mukha silang ewan.

    Mas lalo akong napahagalpak sa tawa at gumulong sa kama ko. Nang maalala ko kung paano napunit ang dress na suot nila ng tatanggalin na nila. Kesyo raw masiyadong masikip at maikli. Wala silang magagawa, dahil hindi hamak na mas maliit ang katawan ni Ella kesa sa kanila.

   "Anak ng, Minion! Magpatulog ka nga! Kanina ka pa tumatawa! Buti sana kung maganda ang boses mo, pero hindi! Para kang mangkukulam kung tumawa!" Rinig kong sigaw ni kuya mula sa kaniyang silid. Rason para natatawa kong takpan ang bibig ko. Para mapigilan ang paghagikgik ko.

    Minuto ang ginugol ko bago ako matigil sa pagtawa. Tsaka ko napagpasiyahan na matulog na at hindi naman ako nabigo. Pagdating kinabukasan ay ginawa ko ang kalimitan kong ginagawa. Nang handa na ako ay kaagad akong lumabas at sumalo sa hapag-kainan.

    "Ma, si minion sinapian ng mangkukulam kagabi." Kapagkuway sumbong na sabi ni kuya pagkaupo ko pa lang sa tabi nito. Dahilan para mapaawang ang labi ko.

   "Nagsalita si unggoy." Bulong ko, pero sinadya kong iparinig iyon kay kuya. Dahilan para kaagad ako nitong binalingan ng may masamang tingin.

    "Ano na naman ba 'yang kalokohan na sinasabi mo, Migy." Sagot dito ni mama.

    "Ma, paano kasi anong oras na kagabi. Pero kung makatawa siya wagas. Akala mo kung walang kasama sa bahay. Tsaka para siyang mangkukulam na nakakuha ng taong iluluto kung makatawa." Sabi ni kuya Migy, rason para hindi ko mapigilang maibuga ang tubig na iniinom ko at kung sineswerte ka nga naman saktong sa mukha pa ni mama.

    "Ano ba, Dhriyaila Thiara!" Saway ni mama, habang pinupunasan ang mukha nito. Kaya naman ay nagpeace sign na lang ako at ngumiti ng pilit. Tsaka ko binigyan ng batok si kuya.

    "Anak ng, ba't ka ba nambabatok hah! Lolang mangkukulam!" Angal nito at matatawa na sana ako. Kung hindi lang ako nito tinawag ng ganoon.

    "Anong tinawag mo sa akin unggoy?" Tanong ko  rito. Tsaka ko pinagsalikop ang dalawang kamay ko at nakataas ang kanang kilay kong tumingin dito.

    "Sabi ko, maganda ka na sana pero bingi ka." Saad nito tsaka ito tumawa rason para ambaan ko ito ng kurot. Pero sinuway na ako ni papa.

   Hah! Lintek lang ang walang ganti!

   Minuto ang lumipas bago kami natapos ni kuya. Kaya naman ay kaagad kaming nagpaalam na papasok na. Hindi ko kinibo si kuya at dere-deretso akong sumakay sa passenger seat ng kotse nito.

   "Tatampo ka na niyan." Asar na sabi ni kuya, nang makasakay na ito sa driver seat. Pero hindi ko pa rin ito kinibo, rason para natatawa nitong simulan ang pagmamaneho.

   Pagdating namin sa L.E.U. ay kaagad akong bumaba at tsaka ako dere-deretsong naglakad papunta sa abm 11 building. Pero nakailang hakbang pa lang ako, nang may maramdaman akong tumama sa ulo ko. Rason para naiinis akong tumingin sa likuran ko. Kaagad na tumambad sa akin ang nakakainis na mukha ng matanda kong kapatid.

   "'Yang wallet mo, lolang mangkukulam." Sabi nito tsaka nito itinuro ang nasa sahig na wallet at tumawa. Rason para naiinis ko itong damputin at walang pakundangan akong tumalikod ulit. Tsaka nakabusangot na naglakad papunta sa silid namin.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon