TICKET
******
Kanina pa ako narito, pero wala pa rin yung mga iyon. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas dose na ng tanghali.
"Ma'am pwede ko na po bang kunin ang order ninyo?" The waiter of this coffee shop approach me for the nth time.
"Saglit lang, kuya. May hinihintay lang po ako." Sagot ko rito, at wala itong nagawa kundi ang umalis sa tabi ko at ipagpatuloy ang trabaho nito.
Kinuha ko ang phone ko at akma ko na sanang tatawagan ulit ang mga ito. Nang maaninag ko na ang kanilang repleksyon sa labas ng coffee shop na ito. Ilang saglit pa ay nakapasok na sila at kaagad nilang nakita kung saan ako nakapwesto.
"Buti naman nagkaroon pa kayo ng plano na pumunta rito." Inis na sabi ko sa kanila, nang makaupo na sila sa harap ko.
Ang mga hinihintay ko kanina ay ang mga babae kong kaibigan. Syempre, lahat kami'y may pagkakaiba. Rhiella Fhueva o Ella, siya ang una kong naging kaibigan sa isabela. Maputi ito, matangos ang ilong, bilugan ang mukha, rounded eyebrows, almond eyes in honey color at red downward turned lips. Ang kulay itim nitong buhok ay pa-wedge style at may bangs din. Tama lang din ang pangangatawan nito't nasa 5'4 ang height...
Jhiara Lhianix o Ara, nakikilala namin ito ni Ella. Nang lumipat ang pamilya nila sa isabela, galing sa cagayan. Morena ito, pa-heart shape ang mukha, red thin lips, straight eyebrows, thin almond eyes in sugar gray color, pointed nose. Her black wavy hair is in medium length at may bangs din. Maganda ang hubog ng katawan, nasa 5'5 ang height at ang nagsisilbing ate sa amin. Mas matanda kasi ito sa amin ng isang taon...
Ciara Yclane o Clain at Khiara Ixly o Aiks, una naming nakilala nila Ella. Nang kakalipat namin sa jhs department ng isa sa paaralan dito sa tarlac. Clain's skin is in paper white, si Aiks naman ay medyo maputi lang. 5'2 ang height ni Clain, 5'7 naman kay Aiks. Parehas maganda ang hubog ng katawan nilang dalawa't matangos ang ilong.
Clain's hooded eyes is in black color. While, Aiks has a chinky eyes in pure hazel color. Bilugan ang mukha ni Aiks, pa-heart shape naman ang kay Clain. Clain has a red thin lips and Aiks has a red downward turned lips. Straight eyebrows ang kay clain at upward eyebrows naman kay Aiks. Ang mahabang itim na buhok ni clain ay madalas na naka waterfall hairstyle. Pa-apple cut naman ang itim na buhok ni Aiks..
Samantalang ako naman ay pinagkalooban ng cute size at tama lang din ang pangangatawan. Bilugan ang mukha, hindi masiyadong mapula ang downward turned lips ko. Arched eyebrows, maputi, I have an almond eyes in chestnut brown color. Matangos ang ilong at ang maalon kong itim na buhok ay madalas lang na nakaladlad.
"Pasalamat ka nga sinipot ka pa namin, gaga." Nakangiting sagot sa akin ni Aiks.
"Hakdog." Sagot ko sa kanila, kaya naman ay sabay-sabay na natawa ang mga ito.
"Ma'am, maaari ko na po bang kunin ang mga order ninyo?" Kapagkuway tanong ng waiter sa coffee shop na ito, matapos itong makalapit sa amin. Hawak pa rin nito ang isang note pad at isang ballpen.
"A frappucino, and a piece of strawberry cake na lang kuya." sagot kaagad ni ara.
"Is that all, ma'am?" Pagtatanong ulit sa amin ng waiter at nagsipagtanguan naman kami at kaagad na itong umalis.
"'Yan ba ang sinasabi ninyo na dapat before 10 am narito na tayo. Kay sarap ninyong batukan!" Inis na sabi ko sa mga ito.
"Sorry na, Dia, sige ka mas lalo kang hindi tatangkad niyan." Sagot sa akin ni Ella at kinurot nito ang pisngi ko, dahilan para mas lalo akong makaramdam ng inis.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
عشوائيDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...