TIWALA
******
Tanghali na ngayon ng sabado at narito kami sa isang boutique. Kasama ko si lheirix at siya ang sumama sa pagbili ko ng isusuot ko. Dapat ay sila Bianca ang kasama ko, kung hindi lang ito nagpumilit na siya na lang ang isama ko. Syempre kaagad itong tinulungan nila Bianca sa pagkukumbinsi sa akin.
"Itong bebe mo na lang pala isama mo bukas, Sis. May gagawin pa pala akong report." Pangrarason ni Bianca, nang kumakain kami sa isang fast food chain kasama sila lheirix. Matapos naming bumili ng mga ireregalo namin kay lheirix. Kung tutuusin nga ay sila Bianca na rin ang mga pinabili ko ng ireregalo ko. Gumawa na lang ako ng alibi na sinamahan ko lang ang mga ito sa mall.
"Sila Ara na lang isasama ko kung gano'n." Sagot ko.
"Ah-huh, hindi kami pwede ni Ara. Gagawin namin yung paper requirement." Pangrarason ni Ella, rason para mangunot ako ng noo ko. Lalo na ng sikuin nito ng palihim si Ara.
"Yap, gagawin pala namin iyon bukas." Sambit ni Ara.
"Tapos na ninyo iyon 'diba?" Tanong ko sa kanila. Dahilan para sabay silang umiling.
Alibi pa.
"See? They are busy, love. Kaya ako na lang ang isama mo bukas." Pagsingit ni lheirix na nasa tabi ko. Nasa kanan nito si Shassy na kumakain lang ng kiddy meal. Na kung akala mo'y gumawa ng sariling mundo, kasama ang kinakain nito.
"Huwag na. Kaya kong mag-isa." Pagpupumilit ko't itutuloy na sana ang pagkain ko. Nang hawakan ni lheirix ang kanang braso ko. Rason para nakataas ang kilay kong tumingin muna sa braso kong hawak nito, bago sa kaniya.
"Isasama mo ako o Isasama mo ako?" Sambit nito habang ang mukha nito'y seryoso. Kaya naman ay nanliliit ang mga mata kong tumingin ng deretso sa mga mata nito.
Linya ko iyon, hah!
"Hindi kita isasama." Tugon ko't hinigit ang kanang braso kong hawak nito. Tsaka sinimulang kumain ulit.
"Alright, susunduin kita after lunch." Kapagkuway seryosong sabi nito. Na kung akala mo'y wala na akong magagawa roon, dahil iyon na ang final na decision ng hari. Rason din iyon para masamid ako. Kaya naman ay kaagad akong uminom sa drinks na naroon. Habang sila Ella, Bianca't Ara naman ay nagpipigil na ng tawa.
Apakakulit talaga ng lahi nito.
"Ito? Ayos ba?" Tanong ko ulit sa kaniya, habang ipinapakita ko ang kulay puting dress na hawak ng kanang kamay ko.
Nakaupo ito sa isang couch na narito sa boutique na ito, habang nakapandekwatrong pangbabae. Nakasandal din ito't ang kanang kamay ay nasa baba nito. Na kung akala mo'y isa talagang hari. Dahil sa kaniya nakasalalay ang desisyon.
Kung tutuusin nga ay ilang boutique na ang pinuntahan namin, pero wala pa rin akong nabibili kahit isa. Paano kasi ay panay ang kontra nito. Kesyo raw hindi raw bagay sa akin ang kulay. Kesyo raw masiyadong malaki sa akin.
Kulang na lang ay sabihin nitong lahat ay hindi bagay sa akin.
"Why don't you try it." Suhestiyon nito, dahilan para mapairap ako't sinimulang tahakin ang fitting room ng boutique na ito.
Kapag ito talaga sinabi niya pang hindi bagay sa akin. Siya na talaga ang pagsusuutin ko nito! Baka kasi sinasabi niyang hindi bagay sa akin, kasi mas bagay iyon sa kaniya.
"Turn around." Utos nito, matapos kong lumabas ng fitting room. Suot ang puting dress na ito. Dahil sa sinabi nito'y kaagad ko itong sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...