ETT - C34

32 32 3
                                    

SUSUNDUIN

******

   "Bakit totoo naman po 'diba, Misis? Madali kasing maloko ang pamilya ninyo. Kaya nga nandito kayo ngayon galit na galit...Kung hindi ba naman kayo nag-expect, hindi kayo masiyadong masasaktan." Lakas loob kong sabi at sinadya ko pang tumingin ng deretso sa mata nilang dalawa.

   "Apakabastos mong babae ka!" Galit na turan ni Tita Ficely at kaagad akong napapikit. Matapos maramdaman ang kanang palad nitong sumampal sa kaliwang pisngi ko.

   "Bastos na po kung bastos. Pero iyon ang totoo." Turan ko, dahilan para makatanggap ako ng sampal sa kanan ko namang pisngi. Galing kay Ate Thline.

   "Apakakapal mo! Matapos ka naming tanggapin ng buo at maayos! Ganito ang mga sasabihin mo!" Galit na sabi pa nito, habang dinuduro ako.

   "Why naman kasi gano'n, Ate? Pwede naman kasing kalahati lang hindi buo." Matapang kong sagot, iyon ang dahilan para panandalian akong matawa. Kahit mukha na akong abnormal dahil umiiyak na naman ako.

   Hating gabi na ngayon pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Habang ang isip ko'y puno ng mga nangyari sa pagitan namin ng mama't ate ni Phyby. Nakasandal ako't nakaupo sa kama ko, habang yakap ang isang hello kitty pillow ko. Narito ako sa loob ng silid ko, nakalock ang pinto't nakasara ang mga bintana ng kwarto ko sa kaliwang banda.

   "Huwag na huwag ka ng lalapit sa anak ko!" Iyon ang huling sinabi ni Tita Ficely, bago sila tuluyang umalis. Iyon ang rason para muli akong humikbi't umiyak.

   Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok. Kaagad kong iminulat ang mga mata ko't kinusot ang mga iyon. Hinayaan ko ang sarili kong tumingin sa kawalan. Pero kaagad din akong napabalikwas sa pagkakahiga, dahil sa padabog na pagbukas ng pinto ko.

   "Talaga bang sisirain mo ang pinto ko?!" Inis na sabi ko kay kuya, pero hindi ito natinag. Lalo na ng masama nitong tingin sa akin.

   "Talaga bang hindi mo itinuloy ang balak na pumunta sa birthday ni Ara kagabi, hah!" Seryosong turan nito, dahilan para matigilan ako.

   Letche! Letche! Letcheee!

   Dahil doon ay napagtanto ko na nakasuot pa sa akin ang dress na suot ko sana, papunta sa kaarawan nito. Marahil ay napuno na ang isipan ko dahil sa mga nangyari. Pero aminado akong mali iyon, dahil hindi lang naman dapat iyon ang pagtuunan ko ng pansin.

   "Tapos na ba?" Umaasa kong tanong, dahilan para mas samaan ako ng tingin ni kuya.

   "Anak ng, nagbibiro ka ba, Dhriyaila Thiara! Hapon na ng linggo!" Turan nito na mas nakapagpatigil sa akin.

   "Saglit, magbibihis ako! Pupuntahan ko si Ara!" Naiiyak ng sabi ko, tsaka ako kaagad na tumayo at nagmadaling pumunta sa aparador ko't sinimulang maghanap ng pamalit na damit.

   "Then, goodluck, sana nga kausapin ka ng kaibigan mo." Iyon ang sabi ni kuya, tsaka ito tuluyang lumabas sa silid ko.

   Nagmadali akong naligo't nagbihis. Pinili kong magtsinelas na lang dahil sa kakamadali. Nagtanong sila mama't papa kung saan ako pupunta, nang madaanan ko ang mga ito sa sala. Pero hindi ko iyon nasagot dahil kaagad na akong tumakbo palabas. Nang makarating ako sa kotse ni kuya'y doon ko naalala na wala pa sa akin ang susi. Kaya naman ay muli akong bumalik tsaka kaagad na kinatok ang pinto ng silid ni kuya.

   Nang makuha ko na ang susi ng kotse nito'y kaagad na akong tumakbo't sumakay sa kotse ni kuya. Tsaka iyon sinimulang imaniobra. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay nila Ara'y lubos lubos ang kaba ko't pagsisisi.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon