ETT - C31

39 33 0
                                    

PARKE

******

  "Bitawan mo ako sabi eh!" Angal ko matapos kong magpakawala ng buntong hininga. Tsaka ako malakas na nagpumiglas. Rason para mabitawan ako nito.

   "Ano! Diba sa akin ka galit!" Muli kong bulyaw sa taong nasapak ko, na nakatitig sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga iniaasta ko.

   "Sa akin ka galit! Pero tangina, bakit mo dinamay ang mga magulang ko!" Singhal ko rito, at mas lalo akong naiyak ng maisali ko sila mama't papa. Kaya naman ay naulinigan ko ang pagsinghap nila Ara't Ella. Na parang nagkakaroon na ng hinuha sa tinutukoy ko. Samantalang si Aiks naman ay nakatitig lang sa mukha ko.

   "Huwag mo akong hawakan!" Kapagkuway angal ko kasabay ng pag-atras ko, nang subukan ni Clain na hawakan ang kaliwang kamay ko.

   "Nagpaubaya na nga ako! Pero nagawa mo pa rin ito! Ayos lang naman sa akin na ako ang masaktan mo! Pero ang makitang pati sila mama't papa'y isinali mo...." Singhal ko, tsaka ako matalim na tumingin dito. Matapos kong punasan ang mga luha kong walang tigil sa pagbuhos.

   "Iyon ang nagpapagalit sa akin!" Sigaw ko rito, rason para matigilan ito sa muling pagtangka na lumapit sa akin at hawakan ako.

   "Bakit?" Pangwengwestiyon ko rito, pero parang hindi ko lang sa kaniya iyon itinatanong. Kundi pati sa tadhana. Maya-maya pa'y nakayukong umiling ito at ng muli itong tumingin sa akin ay naroon na ang pangingilid ng luha nito. Rason para mapalunok ako't makaramdaman ng awa. Pero pinilit kong patatagin ang loob ko.

   Napahiya na ako, kaya lulubusin ko na.

   "Please. Huwag dito." Kapagkuway mahinang pagmamakaawa nito, dahilan para mapamaang ako.

   Hayok.

   "Ayaw mo rito?" Tanong ko rito, kaya naman ay kaagad itong ilang beses na umiling.

   "Sige, pagbibigyan kita." Turan ko, tsaka ako lumapit dito't mariing hinawakan ang nakalugay nitong buhok. Dahilan para tuluyan ng bumuhos ang luha nito, samantalang ang mga kaklase naman namin ay muling naalarma.

   "Lintek, kahirap umawat sa away babae."

   "Luh, awatin niyo na bilis! Baka mas lalo silang magkasakitan."

   "Tawagin niyo na si Miss Arlhian!"

   Ilan lamang iyan sa mga sinasabi ng mga kaklase namin na naririto. Pero hindi iyon naging hadlang para itigil ko ang ginagawa ko. Kundi mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa buhok ni Clain. Habang ito naman ay hawak na ang kanang kamay kong nakahawak sa buhok nito. Na parang binibigyan ako nito ng hudyat na masakit na ang ginagawa ko.

   "Ayaw mo rito, 'diba? Edi sige! Sa labas tayo!" Nanggigigil na turan ko't sinimulan ko ng tangayin ito palabas. Habang ganoon pa rin ang posisyon namin. Kaya naman ay kaagad na napasunod sa amin ang mga kaklase namin, lalo na sila Ella.

   "Umalis ka riyan." Kapagkuway seryosong turan ko kay Wenz, nang humarang ito sa pinto ng silid namin. Dahilan para roon ko mapagtanto na may nanonood na rin sa aming mga estudyante na nasa labas.

   "Dia, huminahon ka." Turan nito, rason para mas lalo akong sumeryeso.

   "You are not like this, eh. So calm down." Dagdag na sabi nito, at sinabayan pa ng kumpas ng kamay nito ang huli nitong sinabi. Kaya naman ay inis akong pinasadahan ang nakalugay kong buhok, gamit ang kaliwang kamay ko.

   "Gano'n?" Nagmamaang-maangan kong tanong dito. Rason para kaagad itong tumango. Na kung akala mo ay nakakita ng tiyansa na mapahinahon ako.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon