ETT - C26

39 42 3
                                        

GAMU-GAMO

******

   Sa mga nagdaang araw ay hindi ko maiwaglit ang sinabing iyon ni Phyby. Kung tutuusin ay madali lamang iyong kalimutan kung talagang walang saysay para sa akin. Subalit hindi, iyon ang bumabagabag sa aking puso't isipan. Kaya naman ay hindi na ako nagtaka na pati sila mama't papa at kuya, ay napansin ang mga ikinikilos ko.

   "Magtagpat ka nga, Dhriyaila Thiara. May problema ka ba?" Tanong sa akin ni papa, nang nasa hapag-kainan kami ng linggo ng gabi. Rason para mapabalik ako sa ulirat, at dahan-dahang sinalubong ang tingin ni papa sa akin.

   "Wala naman po." Simple kong sagot, tsaka ko ibinalik ang tingin ko sa plato ng pagkain ko. Na hindi ko man lang nababawasan.

   Naulit pa ang pagtatanong nilang iyon, nang dumating ang umaga ng lunes. Na kung saan ay nagmistula akong pulubi, dahil hindi ko man lang naisipang ayusin ang sarili ko. Isa pa'y dumadagdag pa ang hikab kong paulit-ulit at ang mga mata kong inaantok, dahil sa hindi ako pinatulog ng isiping iyon. Lalo na ng tumawag ang lalaking iyon.

   "Thiara!" Sabik na salubong sa akin ni Phyby, habang ang mga kamay nito'y akma akong yayakapin. Nang dumating ang umaga ng martes. Pero katulad ng ginawa ko noong lunes, ay pinili kong ilagan iyon at hindi ito pansinin ng buong maghapon.

   Kaya naman ay ramdam ko ang pagtataka nila Aiks. Subalit alam kong pinipili nilang manahimik na lamang. Marahil ay iniisip nilang wala lamang ako sa trip. Pagdating ng miyerkules ay doon ko na napagtantong may nararamdaman na nga ako sa taong iyon. Ang nararamdamang hindi matatawag na poot, galit, o inis. Iyon ang nararamdamang, kahit ikubli mo'y mahirap. Dahil tinaktaksil ka ng mga magiging kilos mo at ang bilis ng tibok ng puso mo.

   "Bakit ni'yo hinahanap si Phyby?" Kapagkuway agaran kong tanong, sa apat na babaeng naroon sa bungad ng pintuan ng silid namin. Nang dumating ang break ng hapon ng miyerkules. 

   Hindi ko maiwasang mangunot ng noo. Dahil sila ang nakita kong nakabuntot kay Phyby, noong araw na hinahanap ko ito. Katulad nga ng sinabi ni lheirix ay mga Grade 9 ito. Isa pa'y ito ang pangatlong beses na nakita kong pumarito sila. Palagi nilang hinahanap si Phyby, pero nagkataon namang wala ito. Kaya naman ay ako ang agarang sumasagot sa kanila palagi. Subalit kapag nagkataon naman na madatnan nila ito'y hindi rin sila nito kinikibo.

   "Ibibigay lamang po sana namin itong..." hindi na natapos ng babaeng nakapusod ang sinasabi nito. Dahil kaagad ko ng kinuha ang kulay asul na paper bag. Nang makalapit ako sa kanila, tsaka ko iyon sinilip.

   Kaya naman ng makita ko na ang laman niyon ay mga letters at chocolate, ay palihim akong napairap. Tsaka nameke ng ngiti, nang muling tumingin sa mga kaharap ko.

   "Bumalik na lang kayo sa susunod. Wala rito yung taong hinahanap ni'yo. Isa pa, iyang mga dala ninyo...Hindi niya iyan magagawang tanggapin. Lalo na kung wala siyang makitang effort sa paggawa niyon. Tsaka next time, gumamit kayo ng paper bag na kulay red na may mukha ni mickey mouse. Sigurado akong mapapansin kayo." Turan ko sa kanila matapos kong ibalik sa kanila ang paper bag na iyon. Kaya naman ay bahagyang napaawang ang mga bibig nila at halata ko sa mga mata nila ang pagkapahiya.

   Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Wala akong intensyong ipahiya sila. Kung tutuusin nga ay binigyan ko pa sila ng maaari nilang gawin. Para makuha ang atensyon ni Phyby.

   "Mga nene, 'buti pa tigilan niyo na iyang ginagawa ninyo. Hindi rin kayo papansinin ni Phyby kahit ano ang gawin ninyo. Dahil yung nakausap ninyo, ay ang babaeng nagmamay-ari ng puso nito." Rinig kong sabi ni Aiks, nang makaupo na ulit ako sa upuan ko. Kaya naman ng tumingin sa akin ang mga babaeng iyon, ay kumindat ako. Rason para magsimula na silang magtakbukhan paalis.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon