INFINITY DESIGN
******
"Kiss!" Kapagkuway kantiyaw ng mga kaibigan namin ni kuya. Matapos kumanta ni papa, at maibigay nito ang bungkos ng puting rosas kay mama.
Kaya naman ay hindi ko maiwasang mangiti. Nang hapitin palapit ni papa si mama, tsaka ito hinalikan sa labi. Rason para mas lalong mangantiyaw ang mga kaibigan namin. Maya-maya pa'y hindi na naiwasan pang kiligin ng karamihan na narito. Mas lalo na ako, dahil sa pagsabi ni papa ng tatlong kataga na talagang maganda sa pandinig. Tsaka niya ito nakangiting dinampian ulit ng halik, pero sa noo na ni mama.
'Kung magsipag-asta sila mama't papa ay parang mga binata't dalaga na magkarelasyon. Dahil sa tamis ng mga ngiti nila at ang makikitang kislap sa mga mata nila ngayon. Tss, mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.' Nangiti ako sa naisip ko. Kaya naman ay nakangiti kong kinuha ang gitara ni papa. Na nilapag nito sa inupuan niya kanina. Matapos niyang kantahan si mama at makuha ang puting bungkos ng rosas.
Inilipat ko ang upuan sa tabi ni kuya, na kung saan ay nakatayo na sa harap ng mikropono. Na talagang handa na at ang pagtipa ko na lang sa gitara, ang hinihintay nito. Kaya naman ay nakangiti ko nang sinimulan ang pagtipa sa gitara ni papa. Para sa susunod na kakantahin ni kuya.
Dahil sa pagsisimula kong pagtipa sa gitara, ay nakuha namin ang atensyon ng ibang bisita. Kabilang na rito sila Phyby at lheirix. Na deretsong nakangiting pinagmamasdan kami sa gawi namin ni kuya. Samantalang ang iba namang bisita, kabilang ang pamilya nila lheirix at Phyby. Ganoon pa rin, nakangiting nakatingin pa rin sa gawi nila mama't papa.
"Put your head on my shoulder~" Kapagkuway paunang kanta ni kuya. Rason para halos makuha na namin ang atensyon nila. Samantalang si papa't mama naman ay nagsimula ng sumayaw. Nakakatawa lang na kung ano ang sinabi sa liriko ng kanta, ay iyon ang ginawa ni mama.
Hindi ko rin maiwasang mangiti, dahil sa ganda ng boses ni kuya. Malayong-malayo ito sa normal niyang malaking boses. Yung tipong parang sinasadya niyang hindi palakihin ang boses nito kapag kumakanta. Isa pa'y sa unang liriko pa lang ay naroon na ang damdamin niya. May papikit pa siya, rason para maging romantiko ang pagkakataon na ito. Idagdag pa na saktong takip-silim na rin, at may banayad na ihip ng hangin.
"Hold me in your arms, baby...Squeeze me oh-so-tight..Show me...that you love me too~" Patuloy na pagkanta ni kuya.
"Huwag mo masiyadong galingan, Migy Boy! Baka maging bakla ako!" Kapagkuway natatawang asar ni Kuya Dley dito. Rason para panandaliang umugong ang tawanan. Pero nakakatawa lang na parang walang narinig ang matanda kong kuya.
"Put your lips next to mine, dear...Won't you kiss me once, baby?..Just a kiss goodnight, maybe...You and I will fall in love~" Patuloy na kanta ni kuya. Syempre patuloy din ako sa pagtipa ng gitara. Tsaka patuloy pa rin ang pagsayaw nila mama't papa. Naroon pa rin ang mga ngiti nila, na parang ayaw nang mawala pa.
"People say that love's a game..A game you just can't win..If there's a way...I'll find it someday..And then this fool will rush in~" patuloy na kanta ni kuya. Tsaka ito pumikit ng panandalian, at nang pagmulat ng mata ni Kuya ay deretso itong tumingin sa gawi ni Clain. Pero nakakatawa lang na parang ako lang ang nakapansin doon. Sapagkat lahat ng mga kaibigan namin na nasa table na iyon, ay nakatuon ang atensyon kila mama't papa. Kaya naman ay palihim akong natawa, tsaka itinuon ang atensyon kong muli sa gitara.
Torpe yern?
"Put your head on my shoulder..Whisper in my ear, baby...Words I want to hear, baby~" patuloy na pagkanta ni kuya, tsaka ko napansin ang pagkuha nito ng medyo pahabang kahon na color krema sa bulsa nito. Na tiyak kong naroon ang necklace na para kay mama.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...