KAPAREHA
******
Ilang ulit nilang ginawa iyon. Dahil palagi silang pareho ng binababa. Kaya naman ay hindi na ako nagtaka na ang iba'y pinili na manatili muna sa kanilang mga pwesto. Imbes na makiindak sa mga estudyanteng nasa dance floor.
"Anong ginagawa nila?" Rinig kong sabi ng isang nakikinood.
"Hulaan mo, Elissa." Asar naman na sabi sa kaniya ng kaibigan ata nito. Kaya naman ay pinalo siya sa braso ng Elissa na sinasabi nito.
"Parang tanga."
"Amp*ta, Isip-bata."
"Mga kabataan nga naman."
"Anong meron?"
"Pustahan tayo, 'yung lheirix ang mananalo."
"Yung Phyby ang sa tingin kong mananalo."
"Timang, nagpustahan pa kayo, hindi niyo naman alam kung sino sa kanila si Phyby at lheirix!" Pagkarinig ko rito, ay hindi ko na napigilan pang matawa.
Iilan lang kasi iyan sa mga sinasabi ng mga nakatuon ang atensyon sa ginagawa nila Phyby at lheirix. Mga abnormal kasi! Biro lang ang suhestiyon ni kuya, pero sineryoso.
Nabalik ako sa ulirat, nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Thross ng pasigaw. Rason para mapatingin ako sa gawi nila Phyby at lheirix. Hindi ko na kinailangan pang magtanong kung anong nangyari. Dahil base pa lang sa ngiti ni lheirix, siya ang panalo. Isa pa parang nanakawan si Phyby, dahil nakanguso ito ng hindi mo malaman kung bakit.
"Nice one, lheirix!" Sabi ulit ni Kuya Thross sa pinsan nito. Tsaka ito lumapit kay lheirix para makipag-apir.
"Well, ganiyan talaga." Sagot naman ni lheirix at ngiting ngiti pa rin ito.
"Better luck next time, pare!" Kapagkuway sabi ni kuya kay Phyby. Habang tinatapik pa nito ang kaliwang balikat ni Phyby.
Kung tutuusin ay ilang kalmado't banayad at nakakaindak na kanta pa ang hinayaan ko munang lumipas. Bago ko hayaan na maisayaw pa muli. Ilang sayaw pa lang ang nagagawa ko, pero napapagod na ang mga paa ko. Samantalang ang mga babae kong kaibigan ay tinutugunan ang mga umaayang magsayaw sa kanila't nakikiindak din kung minsan. Habang ako naman ay tamang kain at inom lang muna ako sa gilid.
Si Phyby naman ay parang nawala na sa wisyo, hindi nito hinahayaan na makasayaw ang mga babaeng nag-aaya sa kaniya. Kabaliktaran naman siya ni lheirix, dahil parang sa isang iglap ay tumaas ang energy nito.
"Ladies and Gentlemen! May I have your attention, please!" Kapagkuway sabi ni Kuya Fhrolly, rason para mapatingin kami sa kaniya't maibaba ko ang iniinom ko.
"Grab the one that you want to be your partner. Be confident, because this time Mr. Ghazie will gonna choose the face of the night. Katulad nga ng sabi ko kanina, isasayaw ni Fafa Ghazie ang babaeng kapareha ng mapipiling face of the night. But of course ang mapipiling face of the night ay magkakaroon ng chance para sumayaw ng solo pagkatapos nito. Then bahala na si Mr. Ghazie kung kailan niya trip na isayaw ang babaeng naitanghal na face of the night...Opps, teka lang! Huwag atat!" Pagpapaliwang nito't tumawa ang iba dahil sa sinabi nito sa huli.
"All lighterns and Alumni will gonna dance, no exemption! Then kapag may sinabi na akong pwede ng tanggalin ang mga maskara ay sabay-sabay nating tatanggalin. Para pak, oh diba! Bet or bet!" Masiglang sabi nito.
"Bet!" Pabalik naman na sagot namin.
"Dj, play that musicccc!" Kapagkuway masiglang turan ni Kuya Fhrolly't nakataas ang kaliwang kamay nito, na hindi nakahawak sa mikropono. Rason para magsimulang mag-ayaan ang mga estudyante. Tsaka naman tumugtog ang kanta ni Taylor Swift na 'lover'. Ang ilaw naman sa gymasium ay muling nagdim, at may mga makukulay na ilaw na umiikot at lumitaw ulit ang pausok effect sa dance floor.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
AcakDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...