PAGSALO
******
Pagkatapak ko pa lang sa loob ng bahay ay tumatakbo na si Sheggy para salubungin ako. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang natatawang kargahin ito. Tsaka ako lumapit kay Tita Lhiraya at humalik sa pisngi nito bilang pagbati, pagkatapos niyon ay kaagad akong tumabi ng upo sa kanila sa mahabang puting sofa. Habang karga ko pa rin ang maliit kong pins.a
"Ate Dia, sino sila?" Inosenteng tanong ni Sheggy sa akin, sabay turo nito kay lheirix at Shassy na parang inoobserbahan din nito si Sheggy.
Kaya naman ay kinurot ko muna ang kaliwang pisngi nito dahilan para tumawa ito ng marahan."Baby, siya si Phleir Shassy Yheyr...So Say hi to Shassy." Pag-uutos ko rito.
"Hi, ba't ang puti mo?" Tanong nito kay Shassy, dahilan para matawa kaming lahat.
"I'm not maputi, it's just that you're kinda maitim." Pagsusungit ni Shassy dito, dahilan para mas lalo kaming matawa. Tsaka tinakpan ni lheirix ang bibig ni Shassy, pero kaagad niya rin itong tinanggal. Dahil tinampal iyon ng kapatid niya.
"Ate Dia, niaaaway niya ako." Sumbong sa akin ni Sheggy, pero tinawanan ko lang ito. Doon ko napansin ang paninitig sa akin ni lheirix, rason para maalala ko na hindi ko pa pala ito naipakilala.
"Sheggy, siya naman si Kuya lheirix Yheyr mo." Pagpapakilala ko rito. Kaya naman ganoon na lang ang paninitig ni Sheggy kay lheirix.
"Are you my ate Dia's boyfriend?" Kapagkuway tanong nito, dahilan para matawa silang lahat maliban sa akin.
Tangina?!
"No, baby. Hindi pa." Sagot ni lheirix, dahilan para matigilan silang lahat.
"Minion, saan galing ito?" Tanong ni Kuya Migy, patukoy sa hawak niyang white na tsinelas. Kagagaling lang ata nito sa labas.
"Binigay iyan sa akin ni Lhial." Sagot ko rito.
"Lhial?" Tanong ni Kuya Migy.
"Kapatid nila lheirix at Shassy, tanda." Sagot ko rito, dahilan para pagkunutan ako nito ng noo.
"Pero ano iyong sinabi ni lheirix na hindi mo pa siya boyfriend. Anak ng, Manliligaw mo na ba iyan?" Seryosong tanong ni kuya, rason para mapalunok ako.
"Kuya, hindi naman ako umo-o. Sadyang sabi niya kasi, kahit daw hindi ko gusto, manliligaw pa rin siya." Mabilisan kong sabi, rason para marinig ko ang tawanan nilang lahat.
"Ate Aila, you're blushing." Sabi ni Shassy, rason para mapalunok ulit ako.
"Ate Dia, gusto kong magpakarga kay Kuya lheirix." Kapagkuway sambit ni Sheggy, dahilan para tumango nalang ako. Tsaka hayaan itong kunin ni lheirix.
Minuto ang lumipas ng pagkwekwentuhan nilang lahat, maliban sa akin na hindi man lang makagalaw sa pwesto ko o makapagsalita. Hanggang sa tapikin ako ni Shassy na nasa tabi ko na kanina pa. Rason para lingunin ko ito.
"Yes, baby?" Tanong ko rito.
"I need to pee." Bulong nito sa akin, rason para matawa ako at dalhin ito sa kwarto ko para roon hayaang umihi. Dahil magpapalit na rin ako ng damit.
Kaya naman pagkatapos niyang umihi ay hinayaan ko muna siyang mangalikot sa loob ng kwarto ko, habang nag-aayos at nagpapalit ako. Pagkatapos niyon ay kaagad akong napapikit ng mariin at napamura ng saktong paglabas ko sa banyo, ay naroon si lheirix at sheggy. Rason para maibato ko kay lheirix ang suklay na nasalo naman nito.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
AcakDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...