ETT - C15

87 88 9
                                    

OUT

******

"Anak ng, buti nagising ka pa." Turan ni Kuya, nang nasa hapag kainan na ako, kumakain.

Malay ko ba kasi na tanghali akong magigising ngayong araw ng sabado. Siguro dahil sa pagod kaya ganoon.

"Ansama mo, Tanda." Sagot ko rito, rason para irapan ako nito. Kaya naman ay imbes na patulan ko pa ito ay pinagpatuloy ko na lang ang pagnguya sa kinakain ko.

"May pasabi-sabi ka pang ikaw ang sasama kay mama na mamalengke. Tapos..." hindi natuloy ni kuya ang sinasabi nito. Dahil bigla kong naibuga ang iniinom kung tubig. Tsaka kung sineswerte ka nga naman, sa mismong mukha pa nito ang nabugahan ko.

Oo nga pala, nangako ako kay mama na ako ang sasama sa kaniya.

Paano kasi ng dumating kami ni kuya ay saktong nagising si mama para uminom. Kaya pinagbuksan niya kami ng gate at nasabi niyang mamalengke siya bukas. Hindi ko nga alam kung bakit ako nangako na ako ang sasama.

"Ano ba naman iyan, Minion! Nakakadiri ka!" Angal ni Kuya habang pinupunasan nito ang mukha nito, gamit ang malinis na towel na naroon.

"Eh, bakit ba naman kasi nasa harap kita, Tanda." Palusot na turan ko't may masamang tingin nitong panandaliang sinuyod ang kabuuan ko.

"Tsaka kung makaasta ka naman. Akala mo kung hindi mo naman ako nabugahan ng tubig." Dagdag ko pang sabi. Dahilan para umikot na ang mata nito.

Attitude.

"Oo na! Oo na! Andaming sinasabi!" Inis na sabi nito, rason para matawa ako.

"Nasaan na sila mama't papa?" Kapagkuway tanong ko. Nang tapos na akong kumain at sinisimulan ko ng hugasan ang pinag-kainan ko.

"Dahil nga sa tinanghali ka ng gising. Sila na ang pumunta sa palengke. Tsaka namili ng mga kailangan nila para sa ititinda sa stall natin. Siguro mamaya ay narito na sila." Paliwanag ni kuya't tumango ako't pinagpapatuloy ang ginagawa.

"Eh, bakit hindi na lang ikaw ang sumama kay mama?" Tanong ko rito't saglit na tinapunan ito ng tingin.

"Ako ang pinaglinis ng bahay." Sagot nito, rason para hindi ko mapigilang matawa.

Kita mo nga naman ohh. Kapag talaga si mama ang nag-utos sa kaniya. Wala siyang magagawa.

"Gustong gusto mo naman na pinaglinis ako...Maliligo na muna ako." Turna nito't naulinigan ko na ang paghakbang nito paakyat sa hagdan.

Kaya naman ng matapos na ako sa ginagawa ko rito sa kusina, ay sinimulan ko ng maglakad papunta sa silid ko. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay kaagad ko ng napansin ang tunog ng kotse ni kuya. Na kalaunan din ay huminto. Kaya isa lang ang ibig sabihin niyon. Meron na sila mama't papa. Rason para tigilan ko ang plano kong pagpanhik sa silid ko.

"Ohh, buti naman at nariyan ka, Dhriyaila Thiara. Tulungan mo ako sa pag-aayos ng mga pinamili namin ng papa mo." Kapagkuway sabi ni mama, nang mailapag na nila ang mga naka-plastic na bitbit nila sa lamesa. Na tiyak kong laman nito ay ang mga pinamili nila.

"Anong oras kayong pupunta at magbubukas ng stall mamaya, mama?" Tanong ko kay mama, habang nilalagay ko sa loob ng ref. ang mga frozen goods na pinamili nila.

"Ligel, anong oras na ba?" Ani mama, tsaka sinadya niyang lakasan para marinig ni papa. Na kasalukuyang nasa sala kasama si kuya. Parehas nilang prineprepara ang mga dadalhin nila mamaya sa stall.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon