AKIN
******
"Hoy!" Tawag ko kay lheirix nang pasakay na ito sa kotse nito, para umuwi. Iyon ang dahilan para matigilan ito't mapatingin sa akin.
"Why?" Kabadong tanong nito, rason para pagtaasan ko ito ng kilay. Habang nakahalukipkip.
Makaramdam ka naman. Letche ka!
"Naghihintay ako, Yheyr." Turan ko rito, nang hindi pa rin nito nakuha ang ibig kong mangyari.
"Naghihintay saan?" Naguguluhang tanong nito. Dahilan para mapairap ako't lumapit dito. Tsaka ko hinila ang damit nito, para mapayuko't binigyan ito ng halik sa pisngi. Rason para makita ko ang pamumula ng pisngi nito, nang makaayos na ito ng tayo.
Hakdog.
"Sige na, alis ka na." Pagtataboy ko rito't sinabayan pa ng galaw ng kanang kamay ko. Na kung akala mo'y intensyon ko talagang maintindihan niya iyon ng mabuti. Kaya naman ay tinaasan ako nito ng kilay.
"I'm waiting for your next move, Yhelester." Kapagkuway turan nito, dahilan para mangunot ako ng noo.
"Kiss me on my lips." Sambit nito't ilang beses pa nitong idinampi ang kanang hintuturo niya roon at iniyuko nito ng bahagya ang sarili nito. Nang maulinigan nitong hindi ko pa rin nakukuha ang ibig niyang sabihin, matapos ang ilang segundo. Iyon ang rason para pagtaasan ko ito ng kilay at sinuyod ang kabuuan nito.
"Tanga! Ano ka? Sineswerte!" Singhal ko rito. Dahilan para umayos na ito ng tayo't namewang na umirap.
"As if naman na hindi rin ako hinalikan pabalik kanina." Rinig kong bulong nito't inililigid ang mata nito. Rason para bumalik sa isipan ko ang pangyayari kanina't kung paano kami nag-iwasan pagkatapos niyon. Kaya naman ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Letche!
"Nagblush na nga." Sambit pa nito. Dahilan para samaan ko ito ng tingin at sinimulang paulanan ng sapak. Rason para natatawa niya iyong salagin. Hanggang sa ako na rin ang natigil, nang makapasok na ito sa kotse nito.
Kaya naman ay ipinakita ko rito ang nakakuyom na kamao ko. Dahilan para natatawa itong umiling at tanging mura na lang ang nagawa ko. Nang umalis na ito nang wala man lang pasabi.
"Mahal mo talaga ang lalaking iyon, ano." Kapagkuway turan ni kuya. Nakahilig ito sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. Habang ang tingin nito'y nasa labas. Iyon ang dahilan para matigil ako sa paglalakad papasok.
"Sobrang mahal..."
Na sana noon ko pa ginawa.
"Masaya ka naman, 'diba?" Tanong nito't napunta sa akin ang tingin nito.
"Masaya ako sa kaniya..."
Pero hindi sa mga nasa isip ko.
"Ayos iyan. Susuportahan ka namin." Huling sambit nito't tumalikod na ito't tinahak na nito ang daan sa pangalawang palapag. Na kung saan naroon ang silid nito. Kaya naman ang pagmasdan ang pigura nito habang naglalakad, ang tangi kong magagawa.
Sana noon pa...pero salamat pa rin.
Nagising ako kinabukan dahil sa isang tawag sa phone ko. Kaya naman ay kaagad ko iyong sinagot at itinapat sa tenga ko. Habang nakapikit pa ang mga mata ko.
"Oh." Bungad ko.
"Si Miss Dhriyaila Thiara Yhelester po ba ito?" Tanong ng isang hindi pamilyar na boses, mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...