ETT - C42

30 26 0
                                        

MALINAW

******

    Pasado alas-sais na ng makauwi ako sa bahay. Inabot kasi kami ng ilang oras sa library. Napag-usapan na namin ang topic na gagawan namin at sa pamamagitan ng pagkanta ang pagprepresent namin. Kung tutuusin ay umangal doon si lance, pero wala na rin itong nagawa kundi ang pumayag. Nasimulan na rin namin ang paggawa ng liriko.

   Ang kailangan na lang ay ang tapusin ang kabuuan niyon at malapatan ng pag-strum sa gitara. Ganoon na rin ang pag-eensayo't pagvivideo.

   "Dhriyaila Thiara, pakitawag mo na ang kuya mo't kakain na." Utos ni mama, dahilan para ibaba ko muna ang hawak kong notebook na kung saan naroon ang unang nagawang liriko. Tsaka umakyat sa hagdan, para tawagin si kuya...

   Na sana ay hindi ko na lang ginawa.

   Paano kasi'y pagkapasok ko sa kwarto nito'y nagsimulang umikot sa isipan ko, ang iba't-ibang pangyayari. Na naging sanhi para hindi ako gaanong makatulog. Dahil binabagabag ako ng pangyayaring nasa isipan ko. Na kung akala mo'y hindi lalong titigil, kung hindi pagtutuunan ng pansin.

   Idagdag pa na saktong pagkagising ko ng umaga ng lunes, ay ang pagsisimula ng red days ko. Kaya naman ay pisikal at emosyonal na sakit ang nararamdaman ko. Ganoon na rin ang pagkakaroon ng naguguluhang isipan.

   "Sis, ayos ka lang?" Tanong ni Bianca, pagdating ng lunch break. Dahilan para tumango ako kahit taliwas sa nagiging aksyon ko. Paano kasi'y nakadantay ang kanang kamay ko sa table at patagilid na nakasandal ang ulo ko roon. Tsaka hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

   "Baka naman miss mo lang si lheirix kaya ka nagkakaganiyan." Pang-aasar na sabi ni Ella, dahilan para irapan ko ito.

   "Don't worry, Sister. Patapos na rin iyon sa presentation nila." Turan ni Bianca. Rason para tuluyan kong idukdok ang ulo ko sa kanang kamay kong nakadantay sa table. Kaming apat lang kasi nila Ara ang magkakasama ngayon. Hindi namin kasama si Phyby dahil kila Wenz niya piniling sumama. Wala rin sila lheirix at ang dalawa nitong kaibigan, dahil nagprepresent pa raw sila. Sabi ni Bianca.

   "Rd mo ngayon ano?" Rinig kong turan ni Ara. Rason para tumango ako kahit nakadukdok pa rin. Kaya naman ay narinig ko ang tawanan ng mga ito.

   Hakdog.

   "Gosh, kaya pala may pula kanina sa upuan mo!" Kapagkuway sabi nito. Dahilan para kaagad akong mag-ayos ng upo.

   Gago.

   "Totoo?!" Tanong ko rito, matapos pasadahan ang buhok ko gamit ang daliri ko sa kaliwang kamay.

   "Duh, pula naman talaga kulay ng upuan natin." Sagot nito kasabay ng pag-irap nito. Dahilan iyon para ibato ko rito ang tinidor na hindi ko pa nagagamit. Mabuti na lang ay nailagan niya iyon, kaya naman ang kasunod niyon ay ang malakas na pagtawa ng mga kasama ko.

   "Letche! Sino na naman ba ito?!" Inis na turan ko, nang may tumakip sa mata ko.

   "Hulaan mo." Turan pa nito, dahilan para mas lalo akong mainis.

   "Tatanggalin mo o tatanggalin mo!" Banta ko rito, rason para tanggalin niya na nga iyon. Tsaka umupo sa tabi ko, nasa harap ko kasi nakaupo sila Ella.

   "Ano?!" Tanong ko kay lheirix, nang kunot-noo ako nitong titigan.

   "Kainit-init ng ulo ni Madam." Natatawang sambit ni lius, rason para samaan ko ito ng tingin.

   "You didn't eat yet?" Tanong ni lheirix, dahilan para irapan ko ito. Iyon din ang dahilan para matawa sila Ara.

   Obvious na nga na hindi pa 'diba!

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon