ETT - C43

35 27 1
                                        

NECKLACE

******

    "Antahimik ni Madam." Punang sabi ni lius. Rason para mahagip ng tingin ko ang pagbaling sa akin ng tingin ni lheirix. Lunch break na ngayon ng miyerkules, at narito kami sa cafeteria. Kumakain kasama sila lius.

   "Yikes, tahimik talaga iyan noon. Naimpluwensyahan lang siya ni Ara." Turan ni Ella. Dahilan para mapamaang na tumingin sa kaniya si Ara.

   "Duh, anong ako?" Turan nito't kasabay ng pag-irap nito.

   "Ohh, you're already done eating?" Tanong ni lheirix, matapos kong ilapag ang kubyertos na hawak ko't inilayo ng kauti ang kinakain ko kahit na marami pa iyon. Tsaka ako uminom sa bottled juice na nasa tabi ko.

   "Oo." Simple kong sagot. Maya-maya pa'y napaiktad ako, nang seryosong  inilapat ni lheirix ang likod ng palad nito sa noo ko.

   "Hindi ka naman mainit. But it seems like you don't have an energy, right now. Tapos kaunti pa ang kinain mo. Are you on a diet, Yhelester? Nagpapasexy ka ba?" Walang alinlangang tanong nito, habang seryoso itong nakatingin sa akin ng deretso. Rason para mapamaang ako't mapalunok. Samantalang sila Ella naman ay nagpipigil ng tawa, maliban kay Bianca. Na nakatutok lang sa pagkain ang tingin, at nang saglit na nagtama ang paningin namin ay sabay din kaming nag-iwas.

   Hindi ko na kailangan pang magtaka, dahil alam kong dahil iyon sa nangyari sa pagitan namin kanina. Na sa isang iglap parang kailangan naming protektahan ang sikreto ng isa't-isa.

   Sa kalagitnaan kasi ng pagkanta ni Phyby kanina'y mas pinili kong lumabas ng silid at magdahilan na kailangan kong pumunta sa girls comfort room. Dahil natitiyak ko na kapag nanatili ako roon, at pinapakinggan ang boses nito'y mas lalong madadaig ang sistema ko ng konsensya.

   Konsensya, dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Na kung saan ay nagmistulang niloko ko ito, dahil nagpakita ako ng mga aksyon na makakapag-paisip na mahal ko na ito. Tapos sa isang iglap, tinutulak ko na siya palayo.

   Konsensya, dahil hindi ko nagawang ilaban ang nararamdaman ko para sa kaniya.

   Akala ko kasi, tama lahat ng ginawa ko. Na iyon ang nararapat kong gawin. para mailayo sila sa sakit. Pero kanina lang ay napagtanto kong hindi. Dahil sa mga sinabi ni Bianca.

   "Sis, hindi kasi sa lahat ng pagkakataon. Mailalayo mo sila sa sakit. Dahil kahit sabihin na nating inako mo iyon lahat. Meron at meron ka pa ring bakas na naiwan, nang hindi mo namamalayan." Turan nito, habang hinahaplos nito ang likuran ko. Nang mga oras na iyon ay nasa girls comfort room kami ng G11 Abm building.

   Nakakahiya lang, kasi ang sadya lang nito sa building namin ay ibigay ang mga outputs nila. Pero nang makita ako nitong tulala't may pumapatak na luha, habang naglalakad sa corridor ay kaagad ako nitong dinaluhan. Na kung akala mo'y wala ng pake kung hindi ito makapasok sa ibang subject nila.

   "Ano, gumaan na ba pakiramdam mo?" Tanong nito, matapos kong sabihin sa kaniya lahat. Lahat ng nagpapabigat sa akin, sa bawat araw na dumadaan.

   Doon ko napagtanto na hindi mo talaga alam ang mga mangyayari. Katulad na lang na kung paano ako nasaktan ng mga taong hindi ko inaasahan. Tsaka kung paano gumaan ang pakiramdaman ko, sa tulong din ng hindi ko inaasahang tao.

   Life are really full of surprises.

   "Salamat." Sagot ko rito't niyakap ko ito.

   "Sus, kung hindi ko lang naman nakitang may patulo ng sipon sa ilong mo. Hindi kita lalapitan." Pagbibiro nito, habang hinahaplos nito ang buhok ko. Kaya naman ay mahina kong pinalo ito sa likuran nito. Dahilan para sabay kaming matawa.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon