ETT - C35

32 33 1
                                    

AYOKO

******

  "Lagi na lang ganito...Isipan ay gulong-gulo...Lagi na lang nabibigo..Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso..Ilang liham na ang sinulat sa 'yo..Ilang luha na rin ang natuyo~" Simulang pagkanta ko habang ang mga mata ko'y nakapikit, at ang mga daliri ko'y tinitipa ang isang gitara.

   Alam kong parte na ng buhay ang masaktan. Pero bakit parang baguhan ako sa pagharap ng pangyayaring ito.

   Uwian na ngayon ng huwebes, pero narito ako sa music room. Nakaupo habang tinitipa ang isang gitara't kumakanta, ayon sa sinasaad ng damdamin ko. Ito na lang kasi ang nakikita kong tanging paraan, para masagot ko ang ginawa ni Phyby kaninang lunch break.

   Dito sa silid na ito at dito rin sa inuupuan ko ang naging pwesto nito. Ngunit ang kaibahan lang ay piano ang tinitipa nito. Kinakanta nito ang isang kanta na parang sinadya talaga nitong baguhin ang ibang salita, para maiparating ang isinisigaw ng damdamin nito.

   "Bakit ba apakakulit ng lahi mo! Ayoko ng makipag-usap sa'yo! Kaya tama na, Phyby! Nirerespeto ko ang sinabi nila tita, kaya sana respetuhin mo rin at intindihin ang ginagawa ko." Turan ko rito, matapos ako nitong subukan ulit na kausapin. Aminado akong nakita nito ang ginawang paghalik ni lheirix sa noo ko at ang pagyakap sa akin, nang maihatid ako nito sa tapat ng silid namin. Ngunit hindi ko na iyon pa pinagtuunan ng pansin. Kasi sa mga oras na iyon ay para akong nagmistulang manhid. Pero nagkamali ako...

   Dahil nang marinig ko siyang kumakanta rito sa silid na ito'y parang pinupunit ulit ang puso ko.

   'It's a small town..Word gets around..And travels in circles..Through hoops over hurdles..Everyone's careless..They talk about our mess..They don't care how it hurts me..Must think it was easy~' Naalala ko ang unang liriko ng kinanta ni Phyby. Dahilan para mapabuntong hininga ako, bago muling tumipa sa gitarang hawak ko.

   "Kailan kaya muling makakatawang?..Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip..Kailan kaya muling makakamit..Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?~" Muli kong pagkanta.

   Nakakatawang isipin dahil sa ganitong paraan na lang ako maaaring makipag-usap sa taong mahal ko. Dahil tiyak na masasaktan ko lang ulit ito, kung papayag ako sa kagustuhan nito.

   'They say you have a new love..I'm happy for you, baby...I just don't wanna meet him..Are you gonna keep him?~'

   'Cause I don't wanna see you with him..I don't wanna see his face..Resting in your embrace..His feet standing in my place~'

   "Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?~"

   'I don't wanna see you moved on..I don't think that I'm that strong..It hasn't been that long..Since I was the one on your arm~'

   "Kung ano man ang totoo..Isip man ay litong-lito..Handang-handa akong sumalo...'Pagka't ikaw pa rin sigaw ng puso...Ilang awit na ang inalay sa 'yo...Ilang luha na rin ang natuyo~"

   'I don't like being sober..That's when it hits me it's over..Although it was my choice..I can't shake your calm voice~'

   "Kailan kaya muling makakatawang?..Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip..Kailan kaya muling makakamit?..Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panagi.." Bahagya akong natigilan, nang sa pagmulat ng mata ko'y naroon ang katauhan ni lheirix sa tapat ng pinto. Mariin itong nakatingin sa akin, habang ang mga mata nito'y may ikinukubling damdamin. Na taliwas sa ipinakita nitong ngiti sa labi niya, nang makita ako nitong natigil sa ginagawa.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon