ICE CREAM
******
"Dude, okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ni Kuya Thross, matapos matumba si Lheirix. Dahil sa bolang tumama sa kanyang mukha. Kasabay din niyon ay ang pagtayuan ng ibang nanonood kanina't nagsimulang magbulungan at matawa ang iba sa kanila.
"Is he okay?"
"Sapulll!!!"
"Wala na, finish na." Ilan lang iyan sa mga naririnig kong bulungan at komento nila.
Naglahad din ng kamay si Phyby para tulungang tumayo si Lheirix, pero tinabig lang niya ito. Tsaka ito tumayo, at deretsong tumingin sa mga mata ko. Rason para pagtaasan ko ito ng kilay, at maghalukipkip.
"You!" Ani Lheirix, sabay turo sa akin.
"Ako?" Nagtataka kong tanong, sabay turo sa sarili ko. Bumuntong hininga muna ito bago ito magsalitang muli. Na kung akala mo'y nahihirapan itong magpaintindi sa akin.
"Yes, ikaw!" Naiinis niyang sabi.
"Ba't ako? Hindi naman ako yung nagbato ng bola sa'yo! Hah! Kaya huwag mo akong sisisihin, sadyang tatanga-tanga ka lang kasi!" Singhal ko rito, dahilan para lumapit ito't magtawanan ang mga kasama ni Phyby.
Nagpamatigasan ako sa pagtitig sa kaniya, sinadya ko pa talagang tumingkayad para medyo mapalapit sa mukha nitong nakakainis. Ilang minuto pa ang lumipas, ay siya na rin ang mismong sumuko.
"Whatever." Inis na sabi nito't umirap, tsaka ito namewang ng sandali habang deretsong nakatingin sa akin.
Kaya naman nang tumalikod na ito'y tinigil ko na ang pagkakatingkayad ko. Tsaka ko ito pinagmasdang kunin ang gamit niya at inis na lumabas sa court na ito. Tsaka ako bumaling sa mga naririto na kanina pa ako tinitignan.
"Ohh, huwag ni'yong sasabihin na ako rin ang sisisihin ni'yo?" Tanong ko sa kanila, at sabay silang umiling. Maliban lang kay Kuya Migy na wala man lang binago sa seryoso nitong mukha.
"Kumain na lang tayo." Kapagkuway aya ni Mhev. Dahilan para kaagad ko itong lapitan.
"Naks, kagaling ng idea. Ano, tara na! Libre ni'yo ako!" Matapang kong sabi sa kanila. Pero bago pa man sila makasagot ay bigla na akong binuhat ng parang sako ng bigas ng matanda kong kuya.
Kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa pagbuhat sa akin. Wala eh, doon siya masaya. Tsaka alam ko namang hindi pa rin ako nito ibababa kahit na magpumiglas ako. Kinuha muna ni kuya ang mga gamit niya, tsaka siya nagpaalam sa mga ibang naririto na kanina pa tumatawa. Pagkatapos niyon, ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumahimik na lang.
Lumipas ang ilang minuto nang maramdaman ko ang pagyugyog sa akin ng may karga sa akin. Doon ko napagtanto na nakaidlip na pala ako, habang karga nito. Kaya naman ay bahagya akong nainis sa pagyugyog nito, rason para suntukin ko ang likuran nito. Dahilan para indahin nito ang sakit at mabitawan ako. Kaya naman ako ang sumunod na uminda ng sakit, dahil sa impact ng pagkakabitaw nito sa akin.
"Anak ng, ba't ka ba kasi nanununtok sa likod! Iyan tuloy nabitawan kita!" Sigaw sa akin nito, dahilan para magsimulang pumatak ang luha ko. Sa hindi ko malaman na dahilan.
Kaya naman, kaagad na naalarma si Kuya Migy nang makita ang luha na pumatak galing sa mata ko. Nagpakawala muna ito ng buntong hininga, bago nito inilahad ang kanang kamay nito sa akin. Pero hindi ko magawang abutin iyon. Kaya walang nagawa si Kuya Migy, kundi ang itayo ako. Pagkatapos niya akong maitayo, ay pinunasan niya ang mga luhang pumapatak pa rin galing sa magkabila kong mata.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
DiversosDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...