ETT - C51

15 11 7
                                        

BABAKURAN

******

   "Today is february 14, kaya nakatambay na naman si Migy boy. Malapit sa silid ng Grade 9." Pang-aasar ni Thross, kaya naman ay sinamaan ko ito ng tingin at napatingin sa kapatid kong parang nawawalang tuta. Dahil sa patingin-tingin nito sa paligid, habang yakap ang isang libro. Malamang ay kagagaling nito sa library at humiram ng libro.

   I'm on the grade 10 level, while my younger sister is in grade 9 level. Like what Thross said, nakatambay na naman ako malapit sa silid ng kapatid ko. Hindi lang dahil sa trip ko, kundi dahil binabakuran ko ito sa mga lalaking gustong magpahayag ng nararamdaman. Noong grade 8 ko ito sinimulang gawin, nang umuwi ang kapatid kong ngiting-ngiti. Dahil nakatanggap ng flowers and chocolates at iba pa, araw iyon ng mga puso noon.

   "Tanga, binigay lang iyan sa'yo! Kasi nakakaawa ka, hindi dahil sa maganda ka!" Naiiritang sambit ko, nang hindi mawala-wala ang ngiti ng kapatid ko. Kahit hindi na nito hawak ang mga iyon at parehas na kaming nanonood sa telebisyon sa sala.

   Pero, kasinungalingan lang iyon. Maganda ito, kahit kinulang sa height.  She's like a girl version of me. She has an almond eyes in a chestnut brown color. Arched eyebrows, her face is in round shape, pointed nose & downward turned lips na bagaman hindi masyadong mapula'y hindi iyon nagpabawas sa ganda nito. Her black wavy hair na medyo lagpas hanggang balikat ay nakapusod. Hindi siya payat, hindi rin siya mataba. Sakto lang ang pangangatawan.

   "Apakaepal! Palibhasa walang natatanggap!" Singhal nito pabalik sa akin at inirapan pa ako. Kaya naman ay doon ko ipinangako sa sarili ko, na hanggang kaya kong bakuran ito. Babakuran ko...

   Mas lalo na ngayon! She's only on the grade 7 level! For pete's sake!

   "Migy," Pagtawag sa akin ni Sky. Rason para mapabalik ako sa ulirat. Tsaka kaagad na lumundag patayo, galing sa pagkakaupo ko sa table ng bench. Nang makita ko ang isang lalaking nasa likuran ng kapatid ko. Pinagtutulakan at halatang inaasar ng mga kaibigan. May hawak itong dalawang heart shaped chocolate, dalawang pulang rosas at hello kitty pillow.

   Bago pa man ito makalapit sa kapatid ko'y naunahan ko na ito. Namura pa ako ng kapatid ko, kung tutuusin. Kasi bigla na lang daw akong sumusulpot. Tinawanan ko lang ito't inakbayan, tsaka ako palihim na tumingin sa lalaking nasa likod. Na ngayon ay nalapitan na ng mga kaibigan ko't halata ang pagkabigo. Habang tinitignan ang kapatid kong papalayo kasama ko.

   "Back off!" Sinabi ko iyon, sa pamamagitan lang ng pagbuka ng bibig ko't palihim ko pang inambaan ito ng sapak.

   Kaya naman ay bigo itong bumalik sa mga kaibigan nitong pinagtatawanan na siya ngayon. Samantalang napailing ako, nang makita kong hawak ng mga kaibigan kong palapit sa amin. Ang dapat na ibibigay sa kaniya ng lalaking iyon. Takot na baka maulit muli ang nangyari noong grade 8 ang kapatid ko. Paano kasi'y may hindi natanggal na card ang mga ito. Bago ibigay ang mga nakolekta.

   "Pst, tanda." Pagkuha ng kapatid ko sa atensyon ko. Nang nauuna akong maglakad, papunta sa kotse na gagamitin ni papa para ihatid kami. Kaya naman ay kunot noo ko itong binalingan ng tingin.

   "Ano?" Tanong ko rito. Dahilan para takbuhin na nito ang distansaya namin. Habang hawak ang strap ng bag nito.

   "'Diba may binigay sa akin si Kuya Sky kahapon." Saad nito't tumango ako.

   "Sa kaniya ba galing ang lahat ng iyon, Kuya?" Tanong nito't tumango ako. Nagsisinungaling.

   "Eh bakit may ganito?" Tanong nito't napamura ako sa isipan ko. Nang makita ang kinuha nito sa bulsa ng pe pants nito. Halatang love letter iyon, base pa lang sa disenyo.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon