ETT - C7

133 135 5
                                    

ULAN

******

   Katulad nga ng sabi kanina ni Phyby, dumaan kami sa bahay nila. Doon na rin kami pinakain nila Tita Ficely at Tito Sacries. Binigyan din ako ni Ate Thline, ng peach dress na 4 inch above the knee na spaghetti strap. Binigyan din ako nito ng heels na 4 inch na bumagay sa suot ko. Ayoko itong isuot noong una pa lang, pero wala akong nagawa ng si Tita Ficely na ang pumilit sa akin.

   Kaya naman ganoon nalang ang hiya ko kanina. Nang makita ko ulit si Phyby at Tito Sacries sa sala nila kanina. Hindi na rin nakauniporme si Phyby ng madatnan ko sila roon. Nakawhite shirt na ito at black pants. Nakasuot din ito ng white sneakers, simple lang ang suot niya kung tutuusin. Pero hindi ko maikakaila na malakas pa rin ang karisma nito.

   "Matangkad ka naman pala kapag nakaheels." Sabi nito ng makababa na ako sa kotse nito. Matapos niyang ipark ang kotse nito sa parking area ng mall at matapos ako nitong pagbuksan. Rason para makakuha ito ng instant kutos at sapak sa kanang braso nito.

   "Kasalanan ko bang mas matangkad ako sa bata."  Sambit ko, rason para matawa ito.

   "Eventhough you're a minion, when it comes to your height. You'll still be my baby." Sabi nito tsaka ito kumindat. Kaya naman ay natatawa akong umirap.

   "Baby? Baby oil?" Pang-aasar ko rito rason para bahagya itong mamula at ako naman ang humagalpak sa tawa.

   "Tara na nga." Natatawa nitong sabi, tsaka niya hinawakan ang kamay ko at sabay naming tinahak ang entrance ng mall.

   "Phyby, gusto mo ng fries?" Tanong ko rito, nang makita ko sa isang side ang bilihan ng fries.

   "Libre ba?" Tanong nito, dahilan para kaagad akong umiling.

   "Kidding though, Just sit there and I'll be the one to buy." Sabi nito sa akin at aangal pa sana ako pero nakalapit na ito roon.

   Kaya naman wala akong nagawa kundi ang umupo sa isa sa mga upuan doon. Lumipas ang ilang minuto, bago nakabalik si Phyby at kaagad nitong ibinigay sa akin ang isang large fries na binili nito. Na kaagad ko namang tinanggap at nagpasalamat muna ako, bago ko iyon kinain syempre. Mahirap na baka sabihan tayo ng walang hiya. Kinain na muna namin iyon, bago kami nagpatuloy sa paglalakad at pumunta sa arcade.

   "Kairita naman bakit hindi ko ba kasi makuha!" Naiinis ng sabi ko. Nang ilang token na ang nagamit ko sa machine na ito. Para makuha lang ang isang kulay asul na stuff toy, pero wala pa rin.

   "Chill, Thiara." Natatawang saad ni Phyby, na nasa tabi ko na pala. Pero hindi ko ito pinansin at nagfocus ako sa pagkuha roon.

   "Gotcha, baby!" Masayang sabi ko't sumuntok pa ako sa ere. Nang sa wakas ay nakuha ko na ang stuff toy na gusto ko.

   "Stitch?" Natatawang tanong ni Phyby, nang makita nito ang hawak ko.

   "Hello kitty siguro." Pamimilosopo kong sabi pero tinawanan lang ako nito.

   "Akala ko ba hello kitty ang gusto mo?" Usisang tanong sa akin nito. Rason para walang alinlangan akong tumango ng tatlong beses.

   "Then why did you get that one? Instead of getting the small hello kitty stuff toy." Tanong ulit nito.

   "Ang kyut kasi, lalo na yung kulay niya. Asul." Masayang sagot ko rito, tsaka ko muling tinignan ang stich na nakuha ko at niyakap iyon ng mariin.

   "Tawag mo ako?" Kapagkuway ani ng nasa likuran ko. Rason para mapalingon ako roon. Kaya naman kaagad na bumalandra sa akin ang pagmumuka ni brown na mata na kasama si lhial at Shassy.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon