ETT - C28

37 40 3
                                        

DESISYON

******

   Iminulat ko ang mga mata ko at ang hindi pamilyar na silid ang nahagip ng mata ko. Dalawang beses akong kumurap, tsaka ko iniligid ang paningin ko sa kabuuan ng silid na ito. Mas malaki iyon kesa sa silid ko, kulay krema ang halos makikitang kulay doon. Ang mga upuan at lamesa na naroon ay kulay tsokolate. Mayroong parihabang lamesa na kinalalagyan ng mga libro, study lamp shade at iba pa. Na nakapwesto sa bandang kanan ng silid na ito. Katabi naman nito ang isang malaking salamin na nakasabit sa dingding.

   Naroon din ang dalawang bagay na nakasandal sa pader. Na kung hindi ako nagkakamali ay ito ang ginagamit ng mga skater sa amin, na madalas kong makita noong nasa Isabela pa kami. Pinaghalong kulay asul at itim ang kulay ng isa, samantalang ang isa naman ay purong itim ang kulay. Nang tumingin ako sa paanan ko'y nakita ko ang flastscreen TV nito na naka-attached sa wall. Tsaka ang walk in closet nito sa bandang kaliwa. Mayroon ding pintuan sa isang gilid niyon na siguro'y papasok sa banyo. Hagip din ng paningin ko ang pintuan na nasa kanang bandang ulunan ng kama nito, na hindi ko alam kung ano ang nasa loob niyon.

   Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagmamasid ko, nang saktong pagtagilid ko sa bandang kaliwa ko'y kaagad na tumambad sa akin ang katauhan ng pamilyar na lalaki. Nasa isang mahabang gray na sofa  ito, na kung saan ay kaunting distansya lang ang meron sa kama na kinaroroonan ko. Mahimbing ang pagkakatulog nito, habang nakasalikop ang mga daliri nito sa daliri ko sa kaliwang kamay. Nakasuot ito ng itim na damit at itim na pants pantulog. Hinayaan ko ang sarili kong pagmasdan ito. Pero habang tumatagal ang pagkakatitig ko rito'y mas lalo kong naaalala. Kung bakit ako narito ngayon.

   Wala akong balak na makipagkita rito, pero ang tadhana na ata ang gumawa para magkita kaming pareho. Narito ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Pagkakataon na kung saan ay hinihiling kong isang panaginip na lamang. Gusto kong sisihin ang sarili ko, dahil kung hindi ko sinunod ang kagustuhan ko'y hindi siguro mangyayari ito.
 
   'Akala ko ba mahalaga ako sa'yo, akala ko ba mahal mo ako!' Muling umalingawngaw sa pandinig ko, ang galit na sigaw ng nakaharap ko kanina. Rason para muling pumatak ang mga luha ko.

   Sinadya kong tanggalin ang kaliwang kamay ko sa pagkakahawak ng lalaking nasa sofa. Tsaka ako humarap sa bandang kanan, tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko. Na kung saan ay umaasa akong mapipigilan nito ang gumawa ng ingay. Ang kanang kamay ko naman ay ginawa kong patungan ng ulo ko. Para sa ganoon ay hindi ko masiyadong mabasa ng luha ang unan.

   Mas lalo pang bumuhos ang luha ko, nang umulit sa pandinig ko ang boses ko. Nang sagutin ko ang taong iyon. Gayundin ang itsura kong unti-unti ng nabubuo sa isipan ko. Ang itsura kong lubos na nagmamakaawa, hindi iniinda ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Itsurang hindi ko inaasahan na mangyayari sa isang pagkakataon, dahil sa taong iyon.

   'Mahal kita, pero kung hindi mo magawa ang hinihiling ko..Mas mabuti na lang na kalimutan mo na ako. Dahil wala akong kilalang makasariling tulad mo!'

   Inaasahan ko naman na sa buhay ng isang tao. May mga katagang matatanggap na ganoon. Pinaghandaan ko iyon, pero hindi ko napaghandaan. Ang pagkakataong sa hindi ko inaasahang tao, matatanggap ang lahat ng iyon.

   "Please don't do this to me." Muli kong isinatinig ang pagmamakaawa ko sa kaniya kanina. Habang nakikita ko ang eksenang iyon sa bandang tinititigan ko. Ang eksenang pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ko sa isang paa niya. Habang nakaluhod ako sa lupa ng lugar na sinabi nilang magiging tagpuan namin. Pinipigilan ko itong umalis, habang ang tipak ng ulan ay unti-unti ng lumalakas.

   'May pagpipilian ka! Iyon ay ang gawin ang hinihiling ko't mananatili ako sa'yo o ang unahin ang nararamdaman mo't saktan ako. Iyon lang naman. Pero hindi ka makapagdesisyon dahil masiyado kang makasarili!'

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon