DAMPI
******
Minuto pa ang lumipas bago natapos ang grand entrance naming lahat. Pagkatapos niyon ay binigyan kami ng hudyat, na pwede ng pumunta sa kaniya-kaniya naming table. Kaya naman ay kaagad kaming pumunta nila Aiks sa pwesto namin.
Hindi ko alam kung bakit ako kailangang alalayan ni Phyby sa pag-upo. To the fact na kaya ko namang umupo mag-isa. Pagkatapos niyon ay umupo siya sa katabi kong upuan na nasa kanan. Sa kaliwa ko naman ay si Ella, sa kaliwa rin nito ay si Ara. Samantalang ang kaharap ko naman ay si Aiks, katabi naman nito ay si Clain at Phyby na. Pabilog ang ayos namin.
Nang iligid ko ang paningin ko ay doon ko napansin na katabi lang namin ng table, sila kuya at mga kaibigan nito. Naroon din si Airo at lheirix. Hindi ko maiwasang magtaka, nang wala na ang Bianca sa tabi nito. Kaya naman ay iniligid ko ang tingin ko at nakita ko ang Bianca na kasama nito sa kabilang table. Kasama ang mga kaibigan ata nito.
Nang muli kong tignan ang gawi nila kuya ay nagtama ang paningin namin ni lheirix. Kaya naman ay kaagad ko iyong iniwas at pinilit na lang na ituon sa iba ang atensyon ko. Sakto naman na magsasalita na ulit si Kuya Fhrolly.
"That grand entrance is so lit!..Then now, let's give a around of applause for the mudra ng L.E.U...No other than, our Dean Zheissa Rio!!" Sabi nito at hudyat iyon para pumalakpak kaming lahat at ang tunog ng base drum. Kasabay din niyon ang pag-akyat ni dean. Inalalayan din ito ni Kuya Fhrolly. Tsaka niya ibinigay ang mikropono rito.
"Good day, lighterns!" Panimulang bati ni Miss Zheissa, nakasuot ito ng kulay red na dress. Hapit iyon sa katawan nito, 1 inch above the knee. Nakasuot din ito ng kulay black na heels at kulay black na maskara.
"Good day, dean!" Masiglang bati rin namin sa kaniya.
"Sa pagbati ni'yo pa lang na iyan, alam kong lahat kayo ay nasasabik at masaya para sa araw na ito! Yes or Yes?!" Kapagkuway sabi ni dean.
"Yes, Dean!" Masiglang bati ng ibang lighterns pabalik. Maliban sa amin ni Phyby, dahil may sinabi ito sa akin na hindi ko naman masiyadong narinig. Dahil sa munting ingay pagkatapos ng pagsagot nila ng ganoon.
"Ano iyon?" Tanong ko rito, tsaka ako bahagyang lumapit sa kaniya. Para marinig ko ang sasabihin nito.
"I said, sorry for what I've acted yesterday." Sabi ulit nito, rason para matawa ako saglit.
"Ayos na iyon, kung hindi ka ba naman kasi abnormal." Sagot ko rito, tsaka kami sabay na tumawa. Matapos iyon ay hindi naiwasang mahagip ng mata ko si lheirix. Na kasalukuyang nakatingin sa gawi namin at hawak ng isang kamay niya ang baba nito. Na animo'y iniisip kung bakit kami tumawa. Pero hindi ko na iyon pinansin pa at ibinalik ko ang atensyon ko kay dean.
"Well, I do hope that this masquerade acquintance party will go well. That all of you will enjoy and be acquintained. 'Coz that is the main reason for helding this party, right? Hindi ko na papahabain pa, dahil alam kong lahat kayo ay nasasabik na para sa mga mangyayari!" Sabi ni dean.
"Once again, good day...Then, Mr. Fhrolly will gonna introduce our special guest for this party!" Sabi ni dean, at hudyat iyon para magsimulang mag-ingay ang lahat. Tila lahat ay sabik na malaman at makita ang special guest na sinasabi ni dean. Iyon din ang naging hudyat para ibalik ni dean ang mikropono kay kuya fhrolly at bumaba na ito ng stage.
"Lighterns! Mag-ingay!" Sabi ni kuya fhrolly at itinapat pa nito ang tenga sa madla. Kaya naman ay mas lalong lumakas ang sigawan, at kasunod ulit niyon ang tunog ng base drum at ang usok effect sa bawat gilid ng gymnasium na ito.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...