BUNGAD
******
Nandito na kami ngayon sa likod ng bahay nila Phyby. Na kung saan matatagpuan ang pool side nila. Hindi ko maiwasang mamangha, dahil sa ganda nito. Lalo na sa garden ni Tita na nakapaligid sa pool side nila.
Nakaupo ako rito sa isa sa mga upuang narito, na kung saan ay may takip na nilagay sila tito. Para hindi raw kami masiyadong maarawan. Kanina pa ako narito, habang pinapanood sila Ate Thline at Phyby na sinamahang magswimming si Thrine. Samantalang si Tito naman ay busy sa pag-iihaw ng barbecue, at si Tita naman ay kakatapos lang mag-ayos at mag-lagay ng mga pagkain sa lamesang naroon.
"Ate Thiara, come join us na po!" Kapagkuway sigaw na aya sa akin ni Thrine, habang nasa pool pa rin sila. Nakapambatang bathing suit ito na color yellow.
"Sige lang, mamaya na lang." Nakangiting sagot ko rito. Rason para tanguan ako nito at magsimulang bumulong sa dalawa niyang kapatid. Habang nakatingin ito sa akin. Kaya naman ay hindi ko maiwasang magtaka.
Pero nawala ang pagtataka ko, nang magsimula silang sadya akong talsikan ng tubig. Rason para umangal ako. Pero tinawanan lang nila ako at kapagkuway nakisama na rin sila Tito't Tita sa pagtawa.
"Tama..." hindi ko natutuloy ang pag-angal ko, dahil patuloy sila sa pagtalsik ng tubig sa akin. Syempre kailangan ko iyong iwasan.
"Halika na kasi rito, Thiara." Aya sa akin ni Ate Thline, tsaka niya pinagpatuloy ang pagtalsik ng tubig sa akin.
"Join them na, iha. Hindi sila titigil hanggang hindi ka pumunta sa pool." Rinig kong sabi ni tito, habang nagpapaypay pa rin sa iniihaw nito.
"Mamaya na..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang umahon si Phyby. Tsaka ako buhatin ng pa-bridal style. Rason para marinig ko ang bungisngis nila Ate Thline at Thrine. Samantalang sila tito naman ay natatawa na rin at si tita naman ay hindi ko alam kung kinikilig ba sa nakikita niya. Dahil hawak ng dalawang palad niya ang pisngi nito, habang nakangiting pinagmamasdan kami.
"Phyby, ibaba mo ako! Masasakal talaga kita!" Banta ko kay Phyby, pero tinawanan lang ako nito. Tsaka natatawang pinagpatuloy ang paglalakad.
"Ihagis mo sa malalim, Phyby!" Rinig kong sabi ni Ate Thline. Nang nasa gilid na kami ng pool. Rason para mapalunok ako.
Letche! Hindi ako marunong lumangoy!
"Ready?" Ngiting tanong sa akin ni Phyby. Rason para dumoble ang paglunok na ginawa ko. Tsaka hindi ko natuloy ang sasabihin ko, nang biglang tumalon palusong si Phyby habang karga pa rin ako. Kaya naman ay mariin akong napapikit.
Nang ramdam ko na ang tubig sa pool ay kumawala na siya sa pagkakakarga sa akin. Rason para abutin ng paa ko ang tiles ng pool nila. Pero kaagad akong napalunok, nang hindi ko iyon maabot. Dahil nasa bandang malalim pala kami. Kaya naman ay napakapit ako ng mahigpit sa suot na sando ni Phyby.
Nakasuot kasi ito ng itim na sando at black na short. Samantalang ako naman ay suot ang black na shirt nito at black na maikling short na binigay sa akin ni Ate Thline. Na kung saan ay parang magmumukhang wala akong suot na short, dahil sa shirt ni Phyby. Si tita naman ay naka one piece na color green. Si Tito naman ay nakaputing sando at hawaian short na color sky blue.
"Why?" Tanong sa akin ni Phyby.
"H-hindi ako marunong lumangoy." Alinlangan kong turan rito. Rason para tawanan ako nito't mamula ako sa hiya.
"Sumakay ka sa likuran ko. I'll give you a piggy back ride." Turan nito tsaka ito tumawa. Rason para kaagad ko namang gawin ang sinabi nito. Tsaka ito nagsimulang lumapit kila Ate Thline at Thrine, na kung saan ay nasa parte ng medyo mababaw. Ayos lang naman na roon si Thrine, dahil may suot itong salbabida. Tsaka naroon naman si Phyby at Ate Thline na aagapay sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...