ETT - C3

185 195 17
                                        

BOLA

******

  Patapos na ang maghapong klase namin. Pero hindi ko pa rin makalimutan ang naging paalala sa akin ni Kuya Migy kaninang umaga. Hindi ko naman kayang mahinuha kung bakit niya iyon sinabi. Sapagkat hindi ko pa ganoon kakilala si Lheirix.

   Pero kung tutuusin pwede naman akong magtanong kay Kuya Thross, sapagkat magpinsan sila. Subalit kapag ginawa ko iyon, tiyak na bibigyan na naman nila iyon ng malisya.

   "Be ready for your quiz tomorrow afternoon. Is that clear?" Rinig kong sabi ni Miss Aynvi, dahilan para bumalik ako sa ulirat.

   "Yes, miss" sabay nilang sabi, dahilan para mapansin ako ni Miss Aynvi.

   "Is that clear, Ms. Yhelester?" Pagkuha niya sa atensyon ko, dahilan para tumango ako kaagad at nagpilit ng ngiti.

   Pagkatapos niyon ay ang saktong pagtunog ng bell ng aming building, hudyat na tapos na ang klase namin. Kaya naman ay kaagad akong nilapitan nila Ella.

   "Tulala pa kasi, gaga." Pabirong sabi ni Aiks, dahilan para mapanguso ako. Tsaka ipagpatuloy ang paglagay ng gamit ko sa aking kulay maroon na bag na may disenyong gintong butterfly sa gitna nito.

   "Hindi ka ba nakatulog ng maayos, Thiara?" May pag-aalala sa tono ni Phyby, dahilan para tuksuhin kami nila Clain at ng iba naming kaklase na nandito pa.

   "Nakatulog naman ako ng maayos. Sadyang may iniisip lang ako kanina." Pinilit kong maging normal sa pananalita, at nakita ko naman ang pag-ngiti ni Phyby.

    "So? Tayo na?" Sabi nito sa akin dahilan para maguluhan ako at mas lalo kaming tuksuhin.

   "Hoy, ano 'yan. Anong kayo na! Ang bilis naman ata."

   "Lintek, Speed!"

   "Sana allll"

    "Penge ng katulad ni phyby."

    "Sabi ni Miss, pamilya tayo. Pero bakit may nahulog!"

   Ilan lamang yan sa mga pang-aasar nila sa amin, dahilan para maramdaman kong uminit ng bahagya ang pisngi ko. Kaya ng tignan ko si Phyby ay grabe na ang pamumula nito.

    "Lintek, hoy mga pare, kinikilig si Phyby ohh." Rinig kong kantiyaw ni Thier, dahilan para tumalikod si Phyby at nagkunwaring may inaayos sa kanyang kulay asul na bag na may kulay puting check. Pero pabalik-balik lang ang pagbukas-sara nito.

    "Tumigil nga kayo, ang ibig sabihin kasi ni Phyby kung pwede na kaming pumunta. Masiyado kayong malisyoso!" Nagkunwari akong naiinis kahit ang totoo'y kanina pa parang kamatis ang mukha ko dahil sa pula nito. Rason para mas lalo silang matawa.

   "Tss, Phyby tara na nga." Nagkunwari pa rin akong naiinis, sabay kuha ko sa aking bag at hinawakan ko kaagad si phyby at tinahak ang daan palabas.

    "Sunod na lang kayong apat, hihintayin namin kayo sa gate!" Sigaw ko patukoy kila Ella, habang patuloy kong hawak ang kamay ni Phyby habang tumatakbo.

    Huminto lang kami ng humarang sa daanan namin si Lheirix, at deretsong nakatingin ito sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Phyby. Kaya kaagad ko iyong binitawan.

   "Dude, look at your face! It's super red. No wonder, you're blushing kasi hawak ni aila ang kamay mo!" Hindi naitago ni lheirix ang inis sa boses nito. Dahilan para mapatingin ako kay phyby at nakumpirma ko nga ang sinasabi nitong si lheirix.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon