ETT - C32

31 31 1
                                        

AUTOMATIC

******

  Katulad nga ng sinabi nito'y nagtanong ito. Pero syempre hindi ko iyon nasasagot kaagad, dahil nauuna ang pag-angal ko. Rason para mapunta iyon sa pang-aasar nito.

   "Just answer it na lang kasi!" Natatawang turan nito, nang hindi ko pa sinasagot ang tanong nito. Kapwa kaming nakaupo sa isang bench na narito. Habang kinakain ang ice cream na nabili nito. Ang bench na kinauupuan namin ay kaharap ang malawak na damuhan. Na kung saan naglalaro ang ibang narito. Samantalang ang bike naman na nirentahan nito ay nakaparke, sa silong ng isang punong malapit sa amin.

   "Eh bakit ba kasi kadami mong tanong! Kanina ka pa nagtatanong at hanggang ngayon hindi pa rin natatapos! Sinabi mo na lang sana na magpasa ako sa'yo ng bio-data ko!" Dere-deretsong angal ko, dahilan para matawa ito.

   "Maliban nga kasi sa pagbabike. Ano pang hindi mo alam?" Pang-uulit nito sa tanong, rason para naiinis akong mapapikit.

   "Nakikita mo yung ilog na iyon?" Tanong ko rito, habang tinuturo ang ilog na tinunghayan namin kanina. Kaya naman ay napatingin ito roon at tsaka tumango.

   "Hindi ko alam lumangoy. Pero kaya kitang lunurin doon!" Inis na turan ko, dahilan para matigilan ito't kalaunan din ay humagalpak ng tawa't may pahawak-hawak pa talaga sa tiyan. Rason para inis kong ubusin ang ice cream na hawak ko na nakalagay sa isang cone. Matapos iyon ay kaagad na akong tumayo't sumakay sa bike na nirentahan nito. Tsaka sinimulang pumadyak.

   "Bansot! Wait for me!" Sigaw nito, at naulinigan ko na ang kaagad nitong pagtayo at paghabol. Kaya naman ay mas lalo kong binilisan ang pagpadyak. Pero kaagad akong napapreno ng may batang tumakbo sa gitna. Rason para maabutan na ako ni lheirix. Tsaka kaagad na umupo sa bandang inupuan ko kanina.

   "Hayok. Huwag mo sabihing ipapadyak kita?" Taas-kilay kong tanong dito, pero mataray lang ako nitong inirapan at tsaka pinagsalikop ang mga kamay nito.

   "Go." Kapagkuway parang amo na utos nito. Rason para mas lalo akong mainis at sinimulan ang pagpadyak.

   Tangina kang lalaki ka!

   "What are the things that you want to experience na hindi mo pa nararanasan?" Tanong nito, matapos manaig ang ilang minutong wala ni isang kumikibo sa aming dalawa. Dahilan para kunot-noo akong mapatingin dito. Pero kaagad ko rin iyong ibinaling sa harapan ng taasan lang ako nito ng kilay, na kung akala mo'y nababagot sa paghihintay ng sagot.

   "Maligo sa ulan." Kaswal kong sabi makalipas ang ilang segundo, kaya naman ay nahagip ng mata ko ang pagbaling nito ng tingin.

   "Seriously?" Paninigurado nito, dahilan para mapatango ako.

   "Hindi ko naranasang maligo sa ulan  noong bata. Dahil pagagalitan ako ni Mamang Shelly. Kesyo raw magkakasakit ako, kesyo raw hindi magandang tignan ang gano'n." Litanya ko rito, at si Mamang Shelly ang Mama ni Papa.

   'Tumigil ka, Dia! Kapag ikaw makita kong maligo sa ulan! Papaluin talaga kita ng hanger!' Muling umulit sa isipan ko ang sinabi ni Mamang Shelly. Iyon ang oras na nagpupumilit ako habang umiiyak. Dahil pinayagan ng mga ito si kuya na maligo sa ulan, pero samantalang ako ay hindi. Iyon ang rason para muli akong matawa.

   "Sigurado naman ako na pati ikaw hindi pa iyon nararanasan. Anak mayaman ka eh." Turan ko ulit ng wala akong marinig na salita rito.

   "I already experience that one, with Yhelia." Kapagkuway tugon nito, dahilan para maitigil ko ang pagpadyak. Tsaka ako sandaling napatitig dito.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon