EFFORT
******
"Hoy! Kain na!" Pagtawag ko sa kanila, kaya naman ay may ilan ng nagsi-ahon sa pool nila Phyby.
Pasado alas dose y media na ngayon ng tanghali't hindi ko pa nagagawang lumusong sa pool nila. Kasi alam ko naman ding sa gilid-gilid lang ako kapag. Kaya naman ay minabuti ko na lang na umupo muna't manatili muna sa tabi ng mga pagkain, kung saan ay may nilagay na silong at panoorin ang mga kasama naming magsipag-langoy.
Noong una'y kasama ko sila Shassy at Thrine. Pero nang yayain sila nila Ella't Ara ay kaagad na silang nakisali roon. Kung tutuusin ay ayaw ni lheirix na makisali sa kanila, kahit naman kita ko sa mga mata nito na gustong-gusto na nitong lumangoy. Kaya naman ay pinilit ko ito't hindi naman ako nabigo. Pero pandalian lang siya roon. Dahil nang makita ako nitong akmang tutulong kila Phyby at Kuya Dley sa pag-iihaw ay umahon na ito.
"Chibugan na!" Masayang sambit ni Mhev at umakmang kukuha na sa inihaw. Rason para batukan ito ng kapatid nitong si Phied. Sila ang dalawa sa mga nakalaro nila Kuya noon sa basketball. Iyon yung mga oras na natamaan si lheirix ng bola sa mukha.
Ang pagdating kanina nila Mhev Zhiaga, Nhix Sio, Phied Zhiaga at Zhief Ahnia na anak pala ng Tito Nhel ni Phyby ay hindi namin inaasahan. Paano kasi'y wala rin namang nasabi sa amin si Phyby na dadalo ang mga ito. Pero hindi naman iyon problema, dahil marami namang pagkain ang nabili. Isa pa'y parang hindi na ito naging selebrasyon kundi parang naging munting kasiyahan na lamang ito. Kasama ang mga taong may naging parte sa buhay namin.
"Gago! Maghugas ka muna ng kamay mo! Akala mo hindi ko nakita kanina yung pasimple mong paghawak sa kili-kili mong mabaho!" Singhal dito ni Phied, habang pinupunasan nito ng towel ang buhok nito.
"Epal! Baka kili-kili mo ang mabaho! Tsaka bakit ka ba nangingialam, may stick naman ito!" Singhal dito pabalik ni Mhev at tuluyan ng kinagatan ang nahawakan nitong barbecue. Rason para irapan ito ng kapatid nito.
Matapos makaupo ng lahat ay nagsimula na kaming kumain. Kasabay din niyon ay ang pag-ugong ng ingay sa pagitan naming lahat. Ingay na dahil sa pagkwekwentuhan. Ingay na dahil sa asaran, ingay na dahil sa pag-aaway ng mga ilan sa magkakapatid dito. Kaya naman ay hindi na kataka-takang mas pinili ni Thrine na sa loob na lang kumain.
"Phyby, nasaan nga pala sila Tita Ficely at Ate Thline?" Kapagkuway dinig kong tanong ng pinsan nitong si Zhief, rason para mag-angat ako ng tingin sa gawi nila.
"Oo nga naman, Phyby. Nasaan ba sila Tita? Huli ata naming kita sa kanila ay noong 18th birthday ni Ara." Sambit din ni Ella, rason para mangunot ako ng noo.
Pumunta pala sila roon pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin.
"They are in America for almost two months na." Sagot dito ni Phyby at nagtama ang paningin namin. Kaya naman ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lamang iyon sa pagkain ko.
"Love, try this one." Kapagkuway sambit ni lheirix, na siyang nasa kaliwang tabi ko. Sa kanan ko naman ay si Kuya. Rason para mapatingin ako rito.
"Huh? Alin?" Tanong ko rito, dahilan para ilagay nito sa plato ko ang dalawang hiwa ng dragon fruit.
"Ayoko." Tanggi ko't ibinalik iyon sa plato nito, dahilan para matawa ito't ibalik ulit iyon sa plato ko. Kaya naman ay inirapan ko ito't isinubo na lang iyon, nang tatlong beses iyong naulit. Rason para maulinigan ko ang mahina nitong pag-tawa, nang gawin ko iyon.
"Ayos na?" Tanong ko rito't nag-thumbs up pa ako, dahilan para natatawa itong tumango't nahagip ng paningin ko ang pagbungisngis ni Shassy.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
Ngẫu nhiênDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...