ETT - C18

63 63 3
                                        

TAWAG

******

   Nandito na ako ngayon sa silid ko at kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Pero sadyang hindi pa rin ako makatulog. Dahil sa bagay na nasa isip ko.

    'Don't tell me that I'm wrong. Kasi I saw you with HIM. I don't need to tell his name. 'Coz I know that you already know HIM.' Muling umulit sa isipan ko ang sinabi kanina ni Phyby. Nang tanungin ko ito bandang uwian na.

    "Abnormal din eh. Ano naman kung nakita niyang kasama ko si Wenz kanina. Wala namang malisya roon, dahil may hininging tulong lang naman yung tao." Sabi ko sa sarili ko, tsaka ako napaiktad. Nang tumunog na naman ang phone ko. Kaya naman ay inis ko iyong kinuha at basta na lang sinagot ang tawag. Nang hindi man lang tinitignan kung sino iyon.

   "Problema mo ba kasing brown na mata ka! Hindi ka ba makatulog, kaya kanina ka pa nanggagambala!" Inis at deretsong bungad ko rito. Paano kasi ay kanina pa siya tumatawag. Kaya hindi na ako magtataka kung siya ulit ito. Dahil kung tutuusin nga ay magdadaan lang ang ilang minuto, ay tatawag na naman ito.

    "Thiara," kapagkuway sabi nito, rason para mapasinghap ako at tignan ang pangalan ng kausap ko.

    "P-phyby," alinlangan kong pagtawag sa pangalan nito't napapikit ako ng mariin. Rinig ko ang buntong hininga nito, bago ulit ito magsimulang magsalita.

    "Sorry, hindi ko alam na may inaasahan ka pa lang tumawag. Ibababa ko na." Saad nito.

    "Huwag!" Kaagad kong pagpipigil dito. Rason para marinig ko ulit ang buntong hininga nito.

    "Bakit ka ba napatawag?" Alinlangang tanong ko rito, nang lumipas na ang ilang minuto. Pero hindi pa rin ito nagsasalita.

    "I just want to say sorry, for what I've acted a while ago." Sabi nito at ramdam ko ang sinseridad sa pagkakasabi nito. Kahit hindi ko ito nakikita.

    "Abnormal ka rin kasi eh." Tugon ko't nagpilit ako ng tawa.

    Dahil hindi ko maikakaila na kung minsan ay parang wala na sa lugar ang mga ipinapakita nito. Hindi ko naman sa sinasabing mali, pero kasi kung minsan. Nahahalata ko na kaagad niyang pinaniniwalaan ang nakita niya, nang hindi man lang inaalam ang buong nangyari.

    "I wouldn't be shock, if nagtataka ka na. Kasi wala naman talaga akong karapatang makaramdam ng ganito. Kasi manliligaw mo lang ako." Turan nito at  nagpilit din ito ng tawa. Kaya naman ay nakapikit akong nailing.

    "Hindi, hindi ganiyan ang naiisip ko. Pero makinig ka, normal lang naman iyang iniaasta mo ngayon. Para sa isang tao..." Bitin kong saad at nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga. Bago ko tuluyan ang sinasabi ko.

    "Pero kasi kung minsan, kaagad mo ng hinuhusgahan ang nakita mo. Kahit hindi mo pa man nakita ang talagang kabuuan nito." Lakas loob kong sambit dito.

    "Y-yeah, you're right." Kapagkuway utal na sabi nito. Tsaka kasunod nito ay ang rinig kong pagsinghot nito, mula sa kabilang linya. Rason para magtaka ako.

    Eh?

    "Masisisi mo ba ako kung kaagad akong makaramdam ng selos. Kasi natatakot ako na, baka sa isang iglap ay patigilin mo na ako. Dahil..may iba nang mas matimbang para sa'yo." Turan ulit nito, at kasunod na naman nito ay ang pagsinghot nito.

    "Kasi tama si lheirix. Masasaktan ako kung sakaling siya o iba ang pipiliin mo..." bitin pa na sabi nito. Tsaka rinig ko ang muli nitong pagsinghot at pagpakawala ng buntong hininga.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon