SEXY DANCE
******
"Pero nag-uusap kami dahil nagpapatulong siya na mapalapit sa isang tao. Kaya huwag kayong ano riyan, mga baliw." Dagdag na sabi ni Ella, rason para bigyan namin ito ng magkakasunod na kutos.
"Gaga! Palusot mo luma!" Natatawang sabi ni Aiks.
"Totoo naman kasi, kung pwede ko lang sanang sabihin. Sasabihin ko. Kuha ni'yo?!" Pagmamataray nito, rason para mas lalo kaming matawa.
"Pwede mo namang sabihin sa amin kung si..." hindi natuloy ni Clain ang sinasabi, nang pinaikot na ni Ara ang roleta. Tumapat sa arrow ang color orange na dare. Means si Aiks ang mag-uutos dito.
"Ayusin mo yung dare, Khiara Ixly." Seryosong sabi ni Ara, pero tawa lang ang isinukli rito ni Aiks.
"May number ka ni Airo?" Bulong sa akin ni Aiks, rason para magkaroon ako ng hinuha kung ano ang iuutos nito kay Ara. Tango ang isinagot ko rito, tsaka ko tinignan ang number ni Airo sa phone ko. Tsaka ko ibinigay ang phone ko rito.
"Tawagan mo si Airo, tapos sabihin mo..Hi this is Jhiara Lhianix, your future wife." Saad ni Aiks, tsaka niya iniabot ang phone ko kay Ara na kinuha naman nito.
"Gosh! Are you serious?! Iyon talaga?" Angal ni Ara, at tinanguan lang namin ito.
"Go Ara, you can do it!" Cheer namin nila Clain dito. Dahilan para mapahawak ito sa sentido nito.
"Gosh, why are you even existing!" Reklamo pa nito't kasabay ang pag-irap nito. Tsaka ito bumuntong hininga, bago lakas loob na tinawagan si Airo. Tatlong ring muna ang lumipas bago ito sinagot ni Airo.
"Hmmm, Dia. Bakit?" Inaantok ang boses nito, siguro ay naalimpungatan ito dahil sa tawag. Sinenyasan ko si Ara na magsalita na, nang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin ito nagsasalita.
"He.."
"Hi! this is Jhiara Lhianix, your future wife." Deretsong sabi ni Ara, tsaka niya kaagad na pinutol ang tawag. Rason para matawa kami.
"Mga pakulo ni'yo kasi." Kabadong saad ni Ara. Tsaka niya ibinato sa akin ang phone ko, na nasalo ko naman.
"Ayaw mo iyon, nakausap mo si Airo." Asar na sabi ko rito. Rason para magtawanan sila Aiks maliban kay Ara na tuluyan ng bumusangot.
"Clain, paikutin mo na!" Mataray na utos nito kay Clain. Rason para natatawa at umiiling na inikot ni Clain ang roleta. Tumapat sa arrow ang color cyan na truth. Kaya kinailangan niyang ulitin ang pag-ikot sa roleta, dahil sa kaniya ang color cyan. Sa pangalawang ikot ay huminto sa arrow ang color yellow na dare. Ibig sabihin ay si Ella na naman ang magbibigay ng utos kay Clain.
"Tawagan mo si Phyby, then tanungin mo kung kailan ni'yo gagawin ang report at ang plano sa buhay ni'yo." Walang alinlangang sabi ni Ella.
"Gagiks, seryoso ba kayo? We all know na si minion ang gusto niya." Pangrarason ni Clain, dahilan para matawa ako.
"Hindi mo sure! Kaya, sige na, Clain, gawin mo na. Kaya mo iyan!" Pang-chicheer ko rito.
"Kita mo na, pati si minion pumayag sa dare." Saad ni Ara.
"Sabi mo nga kasi, Clain. Dare is a dare. So do it!" Sabi pa ni Aiks. Kaya walang nagawa si Clain kundi tawagan si Phyby gamit ang phone ko. Hindi pa lumipas ang segundo ay sinagot na kaagad ito ni Phyby.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...