ETT - C36

30 35 5
                                        

GINAGAWA

******

   Kung gaano kalakas ang loob ko kaninang hilingin na maflat ang gulong ng kotse nito'y unti-unti ko ng pinagsisisihan. Paano kasi ay narito ito sa bahay namin. Kanina pa nangungulit. Dito muna kasi ito mamamalagi ngayong gabi, dahil naflat ang gulong ng kotse nito. Nang ihahatid na ako nito rito sa bahay.

   Ang akala ko kasing tuluyan na ako nitong iniwan ay hindi. Sapagkat nang malapit na ako sa coffee shop na malapit lang din sa L.E.U. ay nakita ko ang kotse nitong nakaparada roon. Prente itong nakasandal sa kotse nito, habang pinapaikot ang susi ng kotse nito sa hintuturo nito't nakatingin sa harapan nito.

   Lalagpasan ko sana ito nang bigla ako nitong harangan at sinabihang sumakay sa kotse nito. Syempre nagmatigas ako, pero wala na akong nagawa nang buhatin ako nito ng parang isang sako ng bigas. Tsaka isinakay sa passenger seat ng kotse nito.

   "Bumili ng peace offering ang hari." Bulong ko, matapos nitong ipakita ang limang klase ng kapeng binili nito't mga tinapay. Na tiyak kong sa coffee shop na iyon niya binili. Nakalagay iyon sa back seat ng kotse nito.

   Nang nasa daan na kami papunta sa bahay namin ay panay ang dada nito. Pero hindi ko pinapansin, nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse nito. Subalit parehas kaming napatingin sa isa't-isa ng mangyari ang hiling ko kaninang iniwan ako nito sa L.E.U.

   "Pasundo na lang tayo kay Tanda." Tanging sambit ko, nang nasa labas kaming pareho't tinitignan ang gulong nitong naflat. Magsasalita pa sana ito pero hindi ko na hinintay pa. Tsaka ko kaagad na tinawagan si kuya. Ngunit si papa rin ang sumundo sa amin, dahil hindi raw dala ng kuya kong matanda ang kotse nito sa pinuntahan niya.

   Hindi ko alam kung bakit, pero madalas ko nang napapansin ang palaging pag-alis ni kuya. Siguro ay may importanteng ginagawa.

   Pagdating ng panggabihan ay siya namang dating ng kuya kong matanda. Iyon din ang mga oras na parang gusto kong mambatok dahil sa inis. Paano kasi ay parang biglang naging makulit si lheirix, sa harap namin. Hindi naman sana ako maiinis kung hindi dawit doon ang pangalan ko.

   "Paano po kasi, Ma. Tinopak bigla si bansot. So bumili po ako ng pang-peace offering." Parang sanay na pagkwekwento nito sa kanila, nang tanungin ito ni mama kung para saan yung mga binili niya kanina.

   "Ganiyan talaga si Dhriyaila Thiara. Masanay ka na, anak." Natatawang sagot naman dito ni papa, na sinang-ayunan naman nila kuya't mama.

   Doon ko lang din napansin na 'anak' na ang tawag nila mama't papa kay lheirix. Maging si kuya ay 'bro' na ang tawag dito. Ito namang si lheirix ay 'mama', 'papa' at 'bro' na rin ang tawag sa mga ito. Tsaka hindi na ako magugulat pa kung sakaling alam na nila mama ang mayroon sa aming dalawa ni lheirix. Baka nga noong pumunta siya rito, pagkatapos nang nangyari sa park ay sinabi na niya kaagad sa kanila.

   "Letche! Ano ba! Amin na iyan!" Kapagkuway angal ko't pilit na pag-agaw muli sa hello kitty pillow na yakap ko kanina. Na ngayon ay nasa nakataas na kanang kamay na ni brown na mata. Iyon din ang dahilan para bumalik ako sa ulirat.

   Narito kami parehas sa sala, nanonood sila mama't papa sa telebisyon. Samantalang si kuya naman ay nasa silid na't may ginagawa atang presentation. Pasado alas-otso pa lang ng gabi.

   "Amin na kasi! Isa!" Pagbabanta ko rito, kasabay ng mariing pagkakakunot ng noo ko't masamang tingin dito. Pero tinawanan lang ako nito't tumatalon-talon pa. Tsaka ako napapikit ng mariin nang magsimula itong pumunta sa hapag-kainan, habang iwinawagayway ang hello kitty pillow ko. Na kung akala mo'y nais nitong sundan ko ito.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon