LIE
******
Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kong pagdampi ng kung ano sa noo ko. Dahilan para kaagad kong imulat ang mga mata ko, iyon ang rason para makita ko ang mukha ni lheirix. Kaunti lang ang layo nito sa mukha ko't hawak ng kamay nito ang magkabilang balikat ko. Isa pa'y kahit nakita na nitong nagmulat na ako'y hindi man lang ito nag-ayos ng tayo.
"Good morning." Nakangiting bati nito habang deretsong nakatingin sa mata ko.
"Wala ka bang balak umayos ng tayo?" Kunot-noong tanong ko, rason para natatawa itong umayos ng tayo.
"You really didn't bother to greet me back, huh?" Natatawang sambit nito, kaya naman ay napairap ako't sinuyod ang kabuuan nito. Nakauniporme ito't nakasakbit sa kanang balikat nito ang itim nitong bag. Tsaka maayos din ang postura't amoy ko ang panglalaki nitong pabango.
"Papasok ka na?" Pangungumpirma ko sa nasa isip ko. Kaya naman ay kaagad itong tumango.
"Sige, ingat." Turan ko't sinabayan iyon ng pagtango. Dahilan para kumunot ang noo nitong tumingin sa akin.
"Ano?" Nakakunot noo kong tanong dito.
"Can I get a kiss?" Kunot-noong tanong nito.
"Oo naman, just ask them properly. Para hindi ka masabihang bastos." Sagot ko rito, dahilan para mapaawang ang labi nito't nakayukong umiling.
"I mean, a kiss from you." Paglilinaw nito sa sinabi nito. Dahilan para mapamaang ako't iniligid ang paningin ko. Rason para mapansin kong kaming dalawa lang ang narito.
"Para saan naman sana, aber?" Nakataas ang kilay kong tanong dito't humalukipkip.
"Well, we will going to have our debate later in our class." Sagot nito't nakakunot pa rin ang noo.
"Tapos?" Turan ko.
"You know, kinakabahan ako. So maybe I can get a goodluck kiss from you." Sambit nito.
"Inhale." Utos ko kasabay ng pagkumpas ng kanang kamay ko pataas. Dahilan para tumaas ang isang kilay nito.
"Inhale." Seryosong pag-uulit ko, rason para umiling ito't sinunod ang sinabi ko.
"Exhale." Utos ko ulit at ikinumpas naman pababa ang kanang kamay ko. Dahilan para sundin nito ulit iyon.
"Inhale, exhale." Utos ko ulit na sinunod niya naman at pinaulit ko iyon sa kaniya ng dalawa pang beses.
"Ngayon maaari ka ng umalis." Utos ko ulit, dahilan para muling mapaawang ang labi nito't aapila pa sana ulit. Pero dumungaw na ang isa nitong kaibigan at tinawag ito.
"Ingat." Turan ko nang naglalakad na ito palabas. Kasunod din niyon ay ang pagpasok ni mama, kasama si Kuya Migy na nakauniporme na rin at si papa.
"Gising ka na pala, anak." Turan ni papa't lumapit sa kanang tabi ko para humalik sa noo ko, na bagaman may benda pa ring nakapulupot ay medyo ramdam ko naman.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito, dahilan para ituro ko ang banda ng mga prutas. Kaya naman ay kaagad itong tumango't sinimulang asikasuhin ang mga paghahanda ng mga iyon.
"Gusto mo bang manood muna habang hinihintay ang pagkain mo?" Kapagkuway tanong ni mama, rason para tumango ako't sumandal sa may likuran ko.
"Papasok na po ako, Ma, Pa." Kapagkuway paalam ni kuya, rason para mapatingin ako rito.
"Hindi man lang muna lumapit yung isa riyan." Pagpaparinig ko, dahilan para matigilan ito sa paglalakad. Pero hindi bumaling ng tingin sa gawi ko. Dahilan para mapairap ako.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...