ETT - C24

46 48 3
                                    

BAKANTE

******

      Hapon na ngayon ng biyernes, at lahat kaming magkakaklase ay narito sa loob ng silid namin. May kaniya-kaniyang ginagawa. Dahil kung tutuusin kanina pa tapos ang pag-take namin ng preliminary exam. Kaya naman ay may dalawang oras na kaming bakante ngayon.

   Kanina ko pa gustong matulog sa desk ko. Pero hindi ko iyon magawa, dahil sa ingay na bumabalot sa loob ng silid namin. Na kung akala mo ay nasa palengke at matagal na hindi nakapagsalita. Kaya sinusulit na ang pag-iingay ngayon. Buti na lang at wala rito ang adviser namin ngayon. Dahil kung meron man, ay parang mga sinapian na anghel ang mga kaklase ko.

   "Dia! Catch!" Kapagkuway dinig kong sabi ng isang lalaki naming kaklase. Rason para kaagad akong luminga, at nakita ko na lang ang ibinatong bench towel na color blue. Tsaka kung sineswerte ka nga naman ay sa mukha ko pa talaga sumakto. Rason para kaagad ko iyong tanggalin at hanapin ang nagbato nito sa akin.

   "Dia, amin na yung bench towel ko, please!" Rinig kong sabi ni Vhia. Rason para kaagad ko iyong ibato sa gawi nito. Pero hindi niya iyon nagawang masalo, dahil naunahan na siya ni Thier. Kaya naman ay parang bata na naman silang naghabulan sa loob ng silid namin.

   "Thier, amin na kasi!" Angal ni Vhia, habang hinahabol nito si Thier. Kaya naman ay napailing na lang ako. Tsaka tumingin sa gawi ng katabi ko. Na kasalukuyan na ngayong mahimbing ang tulog. Sa kabila ng maingay nitong paligid.

   "Kahit sa pagtulog maamo ang mukha." Wala sa sariling sabi ko, habang pinagmamasdan ang mukha nito.

   "Ang haba ng pilikmata." Punang sabi ko, nang mas lalo kong mapagmasdan ang pilikmata nito.

   "Totoo kaya ito?" Tanong ko sa sarili ko. Tsaka ko walang alinlangang unti-unting inilalapit ang mga daliri ko sa pilikmata nito. Nang kaunti na lang ang distansya ay bigla itong dumilat. Kaya naman ay bahagya pa akong napa-iktad at kaagad na ibinaba ang kamay ko at nag-iwas ng tingin.

   Tangina, ano ba kasing ginagawa ko!

   "I heard it, Thiara." Rinig kong sabi nito. Pero mas pinili kong magkunwaring hindi iyon narinig. Tsaka pinagpatuloy ang paglinga sa nagkakagulong mga kaklase ko. Kaya naman nang maramdaman ko ang paglapit ng bibig nito sa tenga ko, ay kaagad akong napapikit at kinagat ang laman ng pisngi ko.

   "Don't worry, if we will end up with each other. Araw araw mong makikita ang maamong mukhang ito at itong mahahabang pilikmata na ito. Sa katauhan ko at sa mga magiging anak natin." Bulong nito sa tenga ko, tsaka ako bahagyang napalunok. Nang dampian nito ng halik ang sentido ko. Rason para kaagad kong iniligid ang paningin ko, dahil baka may nakakita sa ginawa nito.

   "Guys, tara maglaro!" Kapagkuway anunsyo ni Qhiell, ang president namin. Rason para makuha nito saglit ang atensyon ng mga nagkakagulong kaklase ko, tsaka tumingin sa gawi nito.

   Kita mo nga maman, kung sino pa talaga ang presidente ng silid. Siya pa ang nagiging pasimuno sa mga ginagawa ng alipores nito.

   "Anong laro ba iyan? Baka mamaya hanapan iyan. Talo na kapag si Dia." Turan ni Thier, rason para kaagad akong mapatingin sa gawi nito.

   "Ohh huwag mong tagalan ang paninitig sa akin, Dia. Baka mainlove ka sa gwapo kong mukha." Asar na sabi nito, nang bahagya kong nakakunot noong tinitigan ang mukha nito. Iniisip kung bakit nasali ang pangalan ko sa sinabi nito kanina.

   Kaya naman ng napagtanto ko na height ko ang dahilan kung bakit nadawit ang pangalan ko, ay kaagad kong ibinato rito ang ballpen na hawak ko. Rason para natatawa itong mapailag.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon