KULAY
******
"No, why would I kiss him." Alinlangang sagot ko rito.
"Hmm, okay." Maikli nitong saad, tsaka ito tipid na ngumiti at itinuon na nito ang atensyon kay Miss Arlhian. Na kasalukuyang nagbibigay ng instructions. Kaya wala akong nagawa kundi ang ituon na lang din doon ang pansin ko.
Minuto ang lumipas bago kami pauwiin ni Miss Arlhian. Kakausapin ko sana ulit si Phyby, pero napansin kong nakalabas na ito sa silid namin. Kaya bumuntong hininga muna ako, bago ako nagpaalam sa mga babae kong kaibigan.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa kotse ni kuya, ay hindi naiwasang mahagip ng mata ko ang pigura ni lheirix. Na kasalukuyan na rin ngayong tinatahak ang daan patungo sa building namin. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin ito.
"Asul!" Pagtawag ko rito, at kaagad naman nitong hinanap ang taong tumawag sa kaniya. Tsaka ito kaagad na ngumiti, nang mapagtanto na ako ang tumawag sa pangalan nito.
"Hintayin mo ako riyan!" Sigaw ko ulit, tsaka naman ito tumango bilang sagot nito. Kaya naman ay tinakbo ko na ang pagitan namin.
"Chill, bansot. Ganoon mo na lang ba ako ka-miss? Papunta pa lang ako sa building ni'yo, pero hindi ka na nakahintay...Sakto, I have something to ask you, no tell you pala." Kapagkuway parang batang sabik na sabi nito, nang nasa harapan na ako nito. Rason para irapan ko ito.
"Bakit mo iyon ginawa?" Deretsong tanong ko rito, rason para mawala ang mapang-asar nitong ngiti at ang sabik sa mukha nito. Tsaka iyon napalitan ng pagkakakunot ng noo nito.
"Did what?" Tanong nito, rason para pagsalikupin ko na ang dalawang kamay ko at nakataas ang kanang kilay ko na tumingin ulit dito.
"Patay-malisya." Masungit na sagot ko rito.
"You know what, I don't know what you're saying." Sagot nito, rason para mapabuntong hininga ako.
"Nagseselos si Phyby." Mahinang tugon ko rito, habang ang paningin ko ay nasa sahig na.
"If that's the case, then good to know." Tugon nito. Kaya naman ay nakakunot kong ini-angat ang tingin ko sa kaniya. Dahilan para bumaladra ulit sa akin ang ngiti nitong mapang-asar.
"I wonder if he will be more jealous when we are already toge.."
"Pwede ba! Bakit mo naman kasi iyon ginawa. Alam mong si Phyby ang tumawag sa akin kahapon. Tapos sinadya mo pa talagang kunin ang phone ko at hindi ipahalata na sinagot mo ang tawag niya. Kung hindi mo sana iyon ginawa, edi hindi niya narinig ang sinabi mo kahapon na 'kiss mo muna ako'...Nakakainis ka! hindi ako pinansin ni Phyby ng buong maghapon dahil sa'yo!" Mabilis at inis na sabi ko sa kaniya. Ngunit hindi ito sumagot sa sinabi ko. Binigyan lang ako nito ng seryosong tingin. Kaya naman ay hindi ko mapigilang mairita.
"Ano?! bakit hindi ka makapagsalita, lheirix! Hah! Guilty ka na ba sa ginawa mo!" Singhal ko rito.
"Why is it a big deal to you?" Seryosong saad nito, rason para bigyan ko ito ng matalim na tingin.
"You know what. You're unfair, Aila." Seryosong sagot nito, at bahagya akong napamaang. Nang tawagin ako nito sa nickname ko, na siya mismo ang nagbigay. Dahil bibihira niya lang banggitin iyon..
"Tell me..." Panimulang sabi nito habang seryosong humahakbang papalapit sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang humakbang din paatras.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...