ETT - C27

38 43 2
                                        

PATAWAD

******

   Nang dumating ang araw ng lunes. Masasabi kong medyo ayos na kami ni kuya. Kung dati'y talagang hindi ako nito kinikibo at hindi ito sumasabay sa aming kumain. Ngayon ay kinikibo na ako nito at sumasabay na siyang kumain sa amin. Pero hindi katulad ng dati na panay ang asaran namin. Kumbaga ay parang isa na lamang akong kakilala para sa kaniya.

   "Kapag uwian na, pumunta ka kaagad rito sa kotse. Kung ayaw mong iwanan kita at maglakad ka papunta sa bahay." Turan sa akin ni kuya, nang makarating kami sa L.E.U. ng umaga ng miyerkules.

   Nang makatango ako ay kaagad na ako nitong tinalikuran at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa building nila. Kaya naman ay napabuntong hininga ako at nagsimula na ring tahakin ang daan papunta sa building namin. Paano kasi ay ganoon pa rin ang trato sa akin ni kuya, katulad ng ginawa nito noong nagdaang lunes at martes. Kung tatanungin ko ito ay sasagutin lang ako nito at doon na matatapos ang usapan namin.

   "Ano na, Clain, Aiks. Bumabalik na ba kayo sa dating pagiging tahimik ninyo?" Kapagkuway natatawang puna ni Ella sa kanila. Matapos naming makapagpalit ng uniporme at makabalik sa silid namin. Kakatapos lamang kasi ng ensayo namin ng sayaw sa p.e.

   "Maybe they are only tired." Komento ni Phyby nang hindi sumagot sila Aiks at Clain. Matapos itong makaupo sa upuan nito. Dahil kung tutuusin ay nahuli itong dumating kesa sa amin. Syempre sa comfort room siya ng boys nagpalit.

   "Salamat." Turan ko kay Phyby matapos ako nitong abutan ng bottled water. Na kaagad ko ring binuksan at sinimulang inumin.

   "Nakakapagod na ba ngayon ang umimik man lang ng kaunti?" Kunot noong tanong ni Ara. Pero wala rin itong nakuhang sagot mula kay Clain at Aiks.

   "Baka naman kasi nagtatampo. Noong lunes pa sila ganiyan eh." Natatawang sabi ko, at kaagad akong lumapit kila Clain at Aiks. Tsaka inakbayan silang pareho.

   "Nagtatampo kayo 'no?" Tanong ko ulit sa kanila. Habang papalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa.

   "Duh, tanungin mo iyang si Clain." Kapagkuway masungit na sabi ni Aiks. Tsaka nito inalis ang kamay kong nakaakbay rito.

   "Anong ako?" Inosenteng tanong naman ni Clain. Habang sinusundan ng tingin si Aiks na paalis na ngayon.

   "Gaga, dinadamay mo pa kasi ako. Ikaw lang naman ang dapat na mamroblema." Tugon dito ni Aiks, tsaka ito nagtuloy sa paglalakad palabas ng silid namin. Siguro ay uuwi na ito. Dahil huling asignatura na namin sa araw na ito ang p.e.

   "Ano nga bang problema mo, Claib?" Tanong ko rito, tsaka ko dalawang beses na pina-galaw ang dalawang kilay ko ng nakangiti. Kaya naman ay pansin ko ang bahagyang paninitig nito sa mukha ko, imbes na sagutin ako. Na kung akala mo ay may malalim na iniisip. Rason para mangunot ako ng noo.

   May dumi ba ako sa mukha? Kaya ako tinititigan nito?

   "Wala. Sige na uuwi na ako." Tugon nito matapos nitong tumingin kay Phyby at bumuntong hininga pagkatapos. Tsaka nito tinanggal ang kamay kong nakaakbay dito. Kaagad niyang kinuha ang bag nito't patakbong lumabas sa silid namin. Tinawag pa ito nila Ella at Ara, pero hindi man lang ito lumingon.

   "Ikaw kasi, Minion. Hindi mo kasi sila binigyan ng cake noong birthday ni Kuya Migy." Natatawang sabi ni Ella, nang sabay-sabay na naming tinatahak nila Phyby ang daan papunta sa parking ng school namin.

   "Panigurado naman kasi ako na maiintindihan nila iyon. Para na kasi iyon sa kuya kong matanda. Alam niyo naman nagtatampo, kaya dapat suyuin." Sagot ko rito, patungkol sa bagay na iyon, kaya naman ay sabay-sabay kaming natawa. Sinadya ko kasing hindi pabawasan ang cake na binake ng mama ni Phyby, para kay kuya.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon