ETT - C29

36 37 3
                                    

PAPEL

******

   Mabilis na lumipas ang mga araw. Kasabay ng paglipas nito ay ang mga pangyayaring nagpapahirap sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang pinakita kong asta, sa mga taong gusto kong ilayo sa sakit.

   "Thiara, wait! Please, just tell me. What is the reason why you suddenly became distant." Nagsusumamong sabi sa akin ni Phyby, habang hawak nito ang kaliwang braso ko. Nang dumating ang uwian ng miyerkules. Iyon na ang pangatlong araw na hindi ko ito kinakausap. Lumipat din ako ng upuan, malayo kay Clain at kay Phyby.

   "Kasi ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Ayoko ng ligawan mo ako." Sagot ko rito, matapos kong hawiin ang kamay nitong nakahawak sa kaliwang braso ko.

   Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at ang bahagyang pagtigil nito. Pero kapagkuway kaagad din itong mariing umiling at hinawakan muli ang kaliwang braso ko. Nang akma akong maglalakad na palabas. May higpit na ang paghawak nito. Tila ba'y ayaw ako nitong mawala sa paningin niya, hanggang hindi ko ito nasasagot.

   "No. I don't believe you. I know that you have a..."

   "Bakit ba apakakulit ng lahi mo! Oo nga may rason ako! Kakasabi ko lang iyon sa'yo, 'diba! Kaya pwede ba! Bitiwan mo ako! Bago pa kita masapak!" Sigaw ko rito, at tinatagan ko ang loob ko para magboses galit ako. Rason para hindi ko na kailangang hawiin ang kamay nitong nakahawak, dahil kusa na niya iyong binitawan.

   Kaya naman ay kaagad ko ng inayos ang pagkakasakbit ng bag ko. Tsaka ako nagsimulang maglakad palabas ng silid namin. Walang lingunan ko iyong ginawa. Kahit na dinig ko ang ibang bulungan ng mga kaklase naming narito pa't nakarinig doon. Pero bahagya akong natigilan, nang marinig ko ang sinabi nito.

   "Thiara! Hindi ako lalayo sa'yo. Hanggang hindi ko makita ang totoo mong rason." Sabi nito na nakapagpapikit sa akin ng mariin. Bumuntong hininga muna ako, bago ako tuluyang lumabas sa silid namin.

   Habang hindi ka tuluyang lumalayo. Hindi rin ako titigil na gumawa ng paraan, para mailayo ka, kayo sa sakit.

   Nang dumating naman ang huwebes ng umaga'y kaagad akong napabuntong hininga. Nang makita ko ulit ang pamilyar na pigura ni lheirix, nang pababa ako ng hagdan galing sa silid ko. Nakaupo ito sa puting sofa na naroon sa sala. Nakauniporme na ito, at nakahalukipkip ito habang ang ulo'y nakasandal sa sofa. Habang ang mga mata'y nakapikit.

   Kaya naman ay dumeretso ako papunta sa harapan nito. Hindi muna ako umimik. Hinayaan ko ang mga mata kong titigan muna ang lalaking ito. Siguro ay napapagod na ito, dahil ito ang pang-limang araw na bumabalik ito sa bahay namin tuwing umaga. Nagbabakasakaling bawiin ko ang sinabi ko rito noong sabado.

   "What did you say?" Naguguluhang tanong nito, nang makarating kami sa harap ng bahay namin. Dahil siya ang naghatid sa akin pauwi.

   "Ang sabi ko, tumigil ka na. Hindi mo na kailangang lumaban at masaktan pa, dahil sa bagay na ito." Pag-uulit ko sa sinabi ko, tsaka ako ngumiti. Kaya naman ay mas lalong kumunot ang noo nito.

   "Are you crazy? I don't know what you're saying." Naguguluhan pa rin nitong sabi. Dahilan para mapansin ko ang pagsunod nito ng tingin sa akin, nang tawanan ko ang sinabi nito.

   "Ang sabi ko, tumigil ka na sa pagpaparamdam ng nararamdaman mo sa akin. Humanap ka ng iba na masusuklian ang ipinapakita mo ngayon. Simulan mo na akong kalimutan, umasta ka na parang walang..."

   "What are you saying! You know what! You're only tired. So go, get some sleep!" Pagsabat nito, tsaka hindi na ako hinintay pa nitong makapasok sa loob. Dahil kaagad na itong pumasok sa kotse nito at umalis.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon