ETT - C41

31 27 2
                                    

PILITIN

******

  "Hoy! Saan ka pupunta?! Dito yung daan sa building ninyo, tanga!" Sigaw ko habang tumatakbo. Nang makita kong lumiko pakanan si lius, matapos naming makababa ng Abm building para sa G11. Sila Ella't Ara na lang ang kasama namin ngayon. Dahil tumakbo na si Phyby papunta sa parking lot, para kunin ang kotse niya.

   "Ohh? Galing, naalala yung mga daan." Sambit ni Ella, pero hindi ko na iyon pa nagawang pansinin.

   "Trust me, Madam! Dito ang tamang daan!" Sigaw ni lius, dahilan para mapairap ako't walang nagawa kundi ang sundan siya.

   "Stop!" Sigaw ulit nito't itinaas pa ang kanang kamay nito. Rason para mabunggo ako sa likuran nito't ganoon na rin si Ella sa likuran ko't si Ara naman sa likuran nito.

   "Minion, ayos ka lang ba?" Kaagad na tanong sa akin ni Ara. Nang mapansin nitong hawak ko ang ulo kong may benda pa rin. Hindi ko alam kung bakit, pero may naramdaman akong kaunting kirot kanina nang tumama iyon sa likuran ng lalaking ito.

   "Oo." Pagsisinungaling ko't bumaling ng tingin kay lius.

   "Ano bang ginagawa mo?! Hindi makahinga yung tao! Tapos tumigil ka rito?!" Inis na singhal ko rito.

   "Relax lang, Madam!" Natatawa pa nitong sagot. Rason para ambaan ko ito ng kutos.

   "Gosh! Relax?! Are you serious right now, huh?!" Singhal din dito ni Ara. Iyon ang dahilan para mapatingin sa amin ang ibang narito.

   Doon ko lang din napansin na tumigil kami sa harap ng daan papunta sa garden. Na kung saan ay nasa kaliwang banda makikita ang field. Hindi ko rin alam kung bakit pero kanina pa pwedeng umuwi. Pero marami pang estudyanteng nasa paligid. Yung iba pa ay may hawak na kulay pink na lobo. Siguro'y  may balak pa ang mga itong tumambay saglit, dahil baka maaga pa para sa kanila ang oras para umuwi.

   "Joke lang naman kasi iyon, Madam!" Kapagkuway natatawang sambit ni lius. Kaya naman ay kaagad akong napabaling ng tingin dito.

   Hanep.

   "Ano kamo?" Pagkukunwari ko't sinadya ko pang medyo lumapit dito.

   "Joke ko lang..." Hindi niya na natuloy pa ang sinasabi. Dahil kaagad ko na itong pinagpapalo, maya-maya pa'y sumali na rin sila Ella. Kaya naman ay todo-iwas ito. Lalo na kila Ella na gamit pa talaga ang librong hawak nila sa pagpalo rito.

   "Letche ka, akala mo ba nakakatuwa iyon." Turan ko't patuloy na pinapalo ito.

   "True, magbibiro na nga lang gano'n pa." Sambit din ni Ella't mas nilakasan ang pagpalo rito.

   "Pasalamat ka, may awa pa ako sa'yo!" Singhal ni Ara't mas dobleng nilakasan ang pagpalo rito.

   "Gago, ayoko ng awa mo! Kasakit ng awa mo...Aray!" Reklamo ni lius.

   "Madam, tama na! Masakit na...Aray! Napag-utusan lang ako!" Kapagkuway sambit nito, rason para matigil ako sa pagpalo rito't gumaya rin sila Ella kalaunan.

   "Sinong nag-utos sa'yo?!" Singhal ko't marahas na dinaklot ang kwelyo ng uniporme nito.

   "Bebe mo!" Malakas nitong sigaw at nakakuha ito ng tiyansang kumawala. Nang bahagya akong mapaiktad, nang may marinig akong pagputok ng lobo sa paligid namin.

   "Tangina?!" Sambit ko, habang nagtatakang inililigid ang paningin ko. Nang kasunod niyon ay ang pag-ulan bigla ng kulay pink na petals. Na sakto pa sa kinatatayuan namin at unti-unting kumalat sa daan papunta sa garden. Maya-maya pa'y umihip ang hangin sa kinalalagyan namin. Kaya naman ang ibang petals ay natatangay bahagya ng hangin.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon