ETT - C22

48 50 1
                                        

ORAS

******

   Kasalukuyan na akong nagmamaneho pauwi sa bahay namin. Kung tutuusin ay ilang oras akong namalagi sa bahay nila Clain, mahabang usapan din kasi ang nangyari sa pagitan namin kanina kasama sila Ella. Kaya naman ay inabot ako ng gabi, bago maisipang umuwi.

    Habang nagmamaneho ako ay ramdam ko ang katahimikan sa loob ng kotse. Pero hinayaan ko lang iyon, dahil gusto kong makapag-isip ng mabuti. Gayunpaman ay hindi ko hinahayaang lamunin ako ng pag-iisip, dahil baka mamaya ay mawala ang focus ko sa pagmamaneho. Mahirap na.

    'Wait nga lang, bakit mo ba iniiyakan yung lheirix na iyon. To the fact na manliligaw mo lang naman.' Muling umulit sa isipan ko ang tinuran kanina ni Aiks. Alam ko kasi na kahit sinabi niyang nagbibiro lang siya kanina ay alam kong may nais talaga siyang ipunto.

    Tama nga naman siya. Bakit ko ba siya iniiyakan, eh manliligaw ko lang naman siya.

    'Gagiks, manahimik ka na nga lang kung walang lalabas na maganda riyan sa bibig mo...Pwede rin namang umuwi ka na lang.' Sagot kanina sa kaniya ni Clain.

    'Duh, masiyado kayong seryoso. Hindi na ba usong magbiro.' Pangdidipensa naman kanina ni Aiks, tsaka siya umirap kay Clain. Na sininghalan naman siya.

    'Kahit naman manliligaw lang siya ni Dhriyaila. Masasaktan at masasaktan pa rin si Dhriyaila sa nalaman niya. Kasi pinayagan na niyang manligaw ito. Means parang binibigyan na niya ng daan si lheirix, para pumasok sa buhay niya. Sa tingin ko naman kahit sinong makakalaman ng ganoon, ay masasaktan. Kasi you give that person your trust, then sisirain lang niya...One more thing, with or without label. Basta gumawa siya ng hindi dapat. Masasaktan ka pa rin.' Mahabang litanya kanina ni Ara, habang nakatingin ito sa malayo. Alam kong seryoso siya roon kanina, dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko.

    'Kumain na lang tayo. Mamaya ni'yo na ituloy iyan. Nagugutom na kami ni minion.' Turan kanina ni Ella, alam kong sinabi niya lang iyon para matigil muna ng panandalian ang usapan.

    "Tangina, dahil sa ginawa mong lalaki ka. Binigyan mo pa ako ng iisipin at sumasakit tuloy ang ulo ko sa'yo." Kapagkuway turan ko, nang maiparada ko na ang kotse sa garahe.

    Tumingin muna ako sa phone ko para tignan kung anong oras na. Pasado alas nuwebe na, nang tumingin naman ako sa bahay namin ay hindi na nakakapagtaka na nakasindi pa rin ang mga ilaw at gising pa rin sila. Kaya naman ay kaagad ko ng hinugot ang susi sa kotse ni kuya at bubuksan ko na sana ang pinto sa driver seat para lumabas. Nang mahagip ng mata ko ang jacket ni papa sa back seat. Doon ko naalala na naiwan ko sila, dahil nadala na ako ng emosyon ko.

    Hindi ko na naisip pa, nang hiramin ko ang susi ng kotse ni kuya. Na pwede ko silang maiwan. Siguro ay hindi ko iyon naisip dahil noong papunta kami sa mall ay sa kotse ng lalaking iyon ako sumakay. Samantalang sila papa't kuya at mga tito ko, ay dito sila sa kotse ni kuya sumakay. Bago ako lumabas ng kotse ay kinuha ko na ang jacket ni papa, tsaka ako lumabas at nagpakawala muna ako ng ilang buntong hininga at inayos ko muna ang sarili ko. Bago ko simulang tahakin ang daan papasok sa bahay namin.

    "Nandito na po ako." Kapagkuway alinlangang sabi ko, nang makapasok na ako sa bahay namin. Kahit nakita na nila ako ay wala man lang silang sinabi.

    Nang hindi nila ako sinagot at nakatingin pa rin sila sa akin ay minabuti ko na lang na ilibot ang mata ko. Ang mga tito't tita at sila papa't mama at kuya ko na lang ang nasa sala, at nakaupo sa mga sofang naroon. Siguro ay nasa silid na ang mga pinsan ko.

    "Pupunta na po ako sa silid ko at magpapahinga." Kapagkuway turan ko ulit, nang matapos ko ng iligid ang paningin ko, ay hindi pa rin sila kumikibo.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon