ETT - C49

16 12 5
                                        

PAGMAMAHAL

******

  "So, yeah. To sum it up..." Paunang saad nito't nahagip ng mata ko ang pagtingin nito sa akin. Magkatabi kaming nakaupo ngayon paharap at medyo malapit sa dagat. Gabi na ngayon ng miyerkules at dinala ako nito sa lugar na ito. Para sabihin ang mga ito't masaksihan ang paglubog ng araw kanina.

   "I am 13 years old, when I became curious with you and my feelings. I am 16 years old, when I had a few information about you. I am also 16 years old, when I fall in love with you..." Sambit nito't napatingin ako sa kaliwang kamay kong hinawakan nito.

   "Then, I'm 17 years old. When you became officially mine." Dagdag nito't napatingin ako rito. Nang dampian nito ng halik ang likod ng palad ng kaliwang kamay ko.

   Habang ang isip ko'y prinoproseso pa ang lahat ng nangyari. Mula sa pag-uusap namin ni Kuya, sa pag-kwekwento ni Nanay Lhiena. Tungkol sa pag-ibig na naranasan ng mga miyembro ng pamilya namin at iba pang bagay. Hanggang sa pagsasalaysay ni lheirix.

   Ala-una na ng madaling araw, nang matapos kaming mag-usap ni Kuya. Hindi na ako nito hinayaang pumunta pa sa silid ko, para matulog. Dahil hinayaan ako nitong matulog sa tabi nito. Habang ramdam ko ang bisig nitong nakayakap sa akin. Samantalang sila Lheirix at Phyby naman ay nasa study room ni Kuya natulog. Nilipat nila roon ang mga nakalatag na folding bed, nang mahinuha nilang mag-uusap kaming mag-kapatid.

   "Hmmm, anong pag-uusapan natin?" Paunang tanong ko kay Kuya, nang makaupo na ako sa tabi nito. Matapos makaalis ng dalawa. Nasa hulihan kami ng kama nito.

   "S-sorry." Unang salita pa lang nito'y naiyak na ito. Dahilan para mapapikit ako ng mariin at yakapin ito patagilid. Parang pinupunit ang puso ko na napunit na, habang nakikita itong ganito.

   "Shhh, hindi naman ako nagalit sa inyo...sa iyo. Kasi hindi ko kaya. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ako nasaktan." Turan ko't niyakap din ako nito patagilid.

   "Sorry kasi, I failed as your Kuya." Umiiyak na turan nito, rason para umiling ako't nangingilid na rin ang luha.

   "Hindi ka nabigo sa pagiging Kuya sa akin. You failed to trust me." Sambit ko rito't naramdaman ko ang pag-angat nito ng tingin sa akin. Nang maiyak na rin ako, dahil bumabalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari.

   "Bakit mo nga ba iyon nagawa, Kuya? Bakit hindi mo nakayang magtiwala sa akin, noong inamin kong mahal ko si Phyby? Pero ngayong si lheirix, parang bigla kang nagkaroon ng tiwala? Ano bang kaibahan nila?" Pauna kong saad at nakatingin ako sa kawalan.

   "Teka, may kaibahan nga ba talaga sila? O sadyang nagawa mo ng magtiwala sa amin ni lheirix, kasi iyon na lang ang magagawa mo." Dagdag ko't tinanggal ko ang pagkakayakap ko rito't sinapo na ang pagmumukha kong luhaan. Kalaunan ay nagpakawala ako ng hikbi. Nang maisip na baka gano'n nga iyon.

   Hudyat para maramdaman ko rin ang pag-hiwalay nito sa pagkakayakap  sa akin. Tsaka niya ako iniharap sa kaniya't siya na ang sumapo sa pisngi ko't pinunasan nito ang mga luha kong walang tigil sa pagbuhos. Gamit ang hinlalaki nito.

   "Kasi mahal kita." Sagot nito't may bahid ng sakit sa mata nito, na nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga mata ko.

   "At mahal ko ang sarili ko." Dagdag nito't nakita ko ang paglunok nito.

   "Mahal kita, kaya natakot ako na baka masaktan ka. Kasi sino ba namang Kuya, ang gustong makita. Na masaktan ang kapatid nila." Sambit nito't tumingin ito sa baba. Nang mas bumuhos ang mga luha nito. Pero nanatili ang mga kamay nito sa pisngi ko.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon